Chapter 47

7K 122 15
                                    

KATHRYN and DANIEL

MAY pakiramdam si Kath na lumulutang siya. Napaungol siya, bago nagmulat ng mga mata.

"D-DJ?" His face was so close to hers. "What are..."

"Narito na pala kayo!" Pamilyar na boses ang pumutol sa tanong niya.

Si Jian. Nakatayo ito sa may landing ng hagdanan ng bahay.

Naipulupot niya ang isang braso sa leeg ni DJ nang mapagtanto na buhat-buhat siya nito.

"Put me down," Sabi niya dito.

"Shhhh... Go back to sleep."

Napasimangot siya. May sasabihin pa sana nang muling magsalita si Jian.

"Congratulations!"

Congratulations? Ulit niya sa isip. Bakit... Ahhh! Bagong kasal nga pala sila ni DJ!

"Put me down!" Bumitaw siya sa leeg ng asawa.

"I'll carry you up the stairs..." Ngumisi sa kanya ito. "Hindi ba't ganon ang ginagawa ng bagong kasal?"

Namilog ang mga mata niya. "Ibaba mo na ko! Kaya kong pumanhik mag-isa sa hagdan."

Ano bang nangyari? Paanong nabuhat siya nito nang di niya namamalayan? Nakatulog ba siya sa biyahe kanina o nawalan ng malay?

Ang huling natatandaan niya ay nakaupo siya sa loob ng sports car nito at nagiisip tungkol sa sitwasyon nilang dalawa.

"Nakahanda na ang tanghalian. Maghahain na ba ako?"

Nilagpasan nila si Jian sa landing ng hagdan. Napilitan siyang kumapit ulit sa leeg ni DJ dahil paakyat na sila.

"Kumain na kami..." Sagot ni DJ sa pinsan. Maingat ang mga hakbang nito paakyat sa mga baytang ng matarik na hagdan.

He was in a lighter mood. Now that they're home and Kath's awake, they could finally talk.

Itinulak niya pabukas ng isang paa ang pinto ng silid.

"Ibaba mo na ako," Muli ay sabi ni Kath nang makapasok sila sa silid.

Hindi niya pinansin ito at dumiretso sa kama. Atsaka lang niya ibinaba ito doon.

Lumapat ang likod ni Kath sa malambot na kutson ng kama. Pero hindi siya nanatiling nakahiga, bagkos ay pabalikwas na bumaba siya doon.

"Bakit dito mo ko dinala?"

"Anong klaseng tanong yan?" Ganting tanong ni DJ sa kanya. "This is my room. It's 'ours' now." Tumalikod si DJ at lumakad papunta sa may pinto. Isinara iyon.

Biglang kinabahan si Kath. Bakit nagsara ng pinto ito?

"Anong... Anong gagawin mo?" Nanlalaki ang mga mata na napaurong siya sa kinatatayuan.

Napamaang si DJ dito nanag mabasa ang takot sa mukha nito. Maya-maya ay kumibot ang mga labi na nauwi sa ngisi.

"Tanghaling tapat, sweetheart... Mamaya na natin gawin ang iniisip mo." Humakbang palapit ito sa asawa.

"Huh?!" Sumadsad ang likod ni Kath sa ding-ding. Wala na siyang uurungan. "Anong iniisip mo? Hindi yon ang iniisip ko!" Nakakaramdam siya ng pagiinit ng pisngi.

"Ows?" Nakangisi pa rin si DJ, amused at her reaction.

"Anong ngini-ngisi-ngisi mo d'yan?" Nayayamot na tanong ni Kath dito. Gusto n'yang kumilos palayo sa ding-ding, pero inisang hakbang na lang ng asawa ang natitirang distansya sa pagitan nila.

His arms pinned her shoulders to the wall. His breath fanned her face. Their bodies so close, she could barely move. Napalunok siya. May warning bells na nagiingay sa utak niya. Hahalikan siya nito... At hindi niya sigurado na hindi siya tutugon kapag nangyari yon! Matagal niya nang alam na kayang-kaya siyang traidurin ng sariling kahinan pagdating sa halik nito.

Pero hindi dumating ang inaasahan niya, "We'll talk..." He said. Sa tapat mismo ng taenga niya. Pinanayuan siya ng mga balahibong pusa sa batok.

"Hi-Hindi a-ako makahinga." Nauutal niyang sabi.

He didn't move an inch. Bagkos ay idinikit pang lalo ang katawan sa kanya. Naglakbay sa mukha niya ang tingin nito, hanggang sa huminto iyon sa mga labi niya.

Ano bang ginagawa sa kanya nito? Alam ba nito ang epekto niyon sa kanya?

Parang nawawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Nagkakandabuhol-buhol na ang hininga niya.

"I'm the luckiest man alive... I just married the most beautiful girl in the world." Sabi nito bago dumampi sa mga labi niya ang mga labi nito.

Her breath caught in her throat. Napapikit siya. Dampi lang ang halik na iyon... Pero katumbas na iyon ng buong 'pride' niya.

Nakakahiya ka, Kath! Sita niya sa sarili. Aayaw-ayaw ka pa kanina na pakasal sa kanya, pero isang halik lang... Bibigay ka na!

Sa naisip ay bigla niyang naitulak ito. "Let me go!"

Hindi naman natinag sa puwesto nito si DJ. Nagsalubong lang ang mga kilay nito.

What were you thinking, man? Kailangan ninyong magusap ni Kath... At hindi kayo makakapagusap ganyang sine-seduce mo siya in broad daylight!

Parang napaso na binitiwan niya ang asawa, matapos pagalitan ang sarili niya. Distansiya. Kailangan niyang dumistansiya dito dahil hindi niya alam kung kaya niyang kontrolin ang sarili sa susunod.

He walked towards the door. Binuksan iyon atsaka lumingon dito, "We'll talk when I get back." Lumabas na siya ng silid.

Nanghihinang dumausdos pababa sa ding-ding ang likod ni Kath. Napaupo siya sa sahig, yakap ang mga tuhod. What did just happen?

Kung hindi siya nakapagisip ng matino kanina ay malamang sa hindi na may nangyari na naman sa kanila gaya kaninang umaga... At sino ang pipigil sa kanila sa pagkakataong iyon? Wala na... Dahil asawa na niya si DJ ngayon at lahat ng karapatan ay narito para gawin ang bagay na yon.

Pabuntong-hiningang hinamig niya ang sarili at tumayo. Lumapit siya sa kama at doon umupo.

Malinis at maaliwalas ang buong silid. Bukas ang mga capiz na bintana kaya malayang pumapasok ang hangin mula sa labas.

She suddenly felt tired... Physically and emotionally. Pakiramdam niya ay sumakay siya sa roller coaster ride sa loob ng kalahating-araw na nagdaan. Mabait naman siyang tao, di ba? Bakit nangyayari sa kanya ito ngayon?

Siguro, dala ng pagod sa mga pangyayari sa buhay niya ay nahulog agad sa mahimbing na tulog si Kath nang lumapat sa kama ang likod niya. Ni hindi na napansin nito ang maliit na supot na nakapatong sa unan sa may ulunan niya... Na siya namang umagaw sa atensyon ni DJ nang bumalik ito sa silid at matagpuang natutulog ang asawa.

"What's this?" Tanong nito sa sarili at dinampot ang supot.

Habang inilalabas ang laman ng supot ay naalala niyang binanggit na ng pinsang si Jian kanina ang tungkol doon.

"Napulot ko sa labas...Regalo sa yo..." Iyon ang natatandaan niyang sabi ng pinsan.

Makaraan ang ilang minuto, pagkatapos niyang makita ang laman ng supot ay saka lang niya naunawaan ang lahat... Hindi mahirap pagdugtong-dugtungin sa isip ang mga pangyayari at gusto niyang magsisi ngayon kung bakit hindi agad siya gumawa ng paraan para magkaintindihan sila ni Kath.

Kasalanan niya ang lahat. Nasaktan niya si Kath.

Umupo siya sa tabi ng natutulog na asawa sa malaking kama. Parang dinudurog ang puso niya habang pinagmamasdan ito. Hindi niya maisip kung paanong nasaktan niya ito nang husto na walang kalaban-laban ito, dahil sa kabila ng lahat, alam niya at nararamdaman niyang mahal siya ni Kath, kahit pa siguro sobrang nasasaktan ito ngayon.

"Bastard!" Mura niya sa sarili at umahon mula sa kama.

Paano siya babawi sa nagawa niya? Mapapatawad pa ba siya ni Kath? Iyon ang na sa isip niya nang iwan sa silid ang asawa na mahimbing pa rin sa pagtulog.

___________________________________________

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon