Chapter 31

8.5K 123 21
                                    

NAKAUPO sa harap ng computer si BG. Nai-saved niya na ang picture sa files niya mula sa memory card ng camera.

Napangiti siya. Kahit kailan ay hindi pa sumablay ang instinct niya. Sabi na nga ba at may 'something' ang dalawang yon. Matagal na niyang minamanmanan ang dalawa... Simula pa noong mangyari ang engagement party nila Quen at Kathryn kung saan tumakas ang huli na kasama si Daniel.

Hmmm... So ano ngayon ang gagawin niya sa picture na yon?

Pwede niyang ibenta sa mga magazine yon. Pwede rin niyang ibenta sa mga TV networks. 'Hot copy' sila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sikat na basketball player sa University Basketball League ang binata at apo naman ng sikat na politiko ang isa. Parehong galing sa mayamang angkan. Sigurado siyang magpipyesta ang media sa litratong yon at pati ang publiko.... Pang-teleserye naman kasi ang kuwento ng dalawa.

Imagine, si Kathryn Bernardo, engaged kay Quen Cervantez na pinsan naman ni Daniel Padilla.

Tapos ay may lihim na relasyon ang dalaga sa pinsan pa mismo ng fiancé niya.

O di ba? Talagang pang-primetime serye sa TV ang 'conflict' sa kuwento ng tatlo.

Nagiisip pa siya kung anong mas mabuting gawin sa picture nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Biancaaaaaa!!!"

Nailayo niya ang cellphone sa taenga. Grabe! Sa lakas ng tili ng nasa kabilang linya ay parang nagkalamat ang eardrums niya.

"Vice... Anong balita?"

"Gusto mo ng raket???"

__________________________________

KATHRYN and DANIEL

"THIS is crazy!" Si Zharm, nakaupo sa tabi ni DJ ito, "Walang 'BG' sa record nila... Pang-ilan na ba 'to sa mga publishing house na napuntahan natin? Are you sure you got her name right?"

"That's what i saw in her ID..." Sagot ng binata dito.

"But how will you explain this?"

"I've no idea..." He shrugged.

Ibinaba ni Kathryn ang baso ng iced tea sa mesa. Kanina pa siya hindi kumikibo. Kanina pa niya gustong tumayo at iwan ang dalawa doon. Pero kailangan niyang mag-stay... Siya ang may idea na hanapin si BG.

*Flashback*

"FUCK! What are you doing?!" Binitiwan siya ni DJ.

Nagliwanag ulit at nakita niya yung babae na may hawak na camera. Nakatutok pa ang lente nito sa kanila habang lumalakad palapit si DJ dito.

"Give it to me..."

"No," Iniiwas ng babae ang camera nang akmang aabutin yon ni DJ.

"C'mon, Miss... I just need the memory card." Kalmado ang boses ng binata.

"Nagapapatawa ka ba?" Habang sinasabi yon ay

umuurong ang babae.

Press ito. Nakasabit sa leeg ang ID nito. Napakagat labi siya. Anong mangyayari kapag lumabas sa media ang picture na nakuha nito sa kanila ni DJ? Nakayakap sa kanya kanina ang binata di ba?

"Miss..."

"No way!" Sigaw ng babae sabay takbo.

Hindi siguro inaasahan ni DJ na biglang tatakbo paalis ang babae kaya hindi nakakilos sa kinatatayuan ito. Nang kumilos naman ito ay nagtaka siya dahil imbes na habulin ang babae ay bumuwelta ito pabalik sa kanya.

"Yung camera!" Nagpapanic na sabi niya dito at tatakbo na para sundan sana ang babae.

"No Kath," pinigilan siya ni DJ, "Mas maraming press sa itaas. Gusto mo bang magtanong sila kung bakit hinahabol mo ang kasamahan nila?"

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon