Chapter 25

9.1K 148 28
                                    

KATHRYN and DANIEL

"DON'T cry, Kath... The last thing I want is your pity." Nagagalit si Daniel. Hindi direkta kay Kathryn, kung di dahil sa sitwasyon. Hindi sa ganoong paraan niya gustong malaman ng dalaga ang tunay na pagkatao niya.

Dumating si Don Manuel kanina. Sumugod sa hacienda ang abuwelo nang malaman na naroon si Kathryn. Sa harapan mismo ng dalaga ay pinagsalitaan siya ng masasakit na salita ng Don. Kung hindi naawat ito ng Tiyo Carding niya ay tiyak na masasaktan na naman siya nito.

"I'm sorry..." Nagpahid ng luha si Kathryn gamit ang likod ng palad niya.

Ang sama ni Don Manuel! Hindi niya akalain na may ganoong kasamang tao.Kinikilabutan pa rin siya kapag naiisip niya na kayang sabihin nito sa sariling apo ang ganoon.

Umalis din si DJ pagkaalis ni Don Manuel. Susundan sana niya ito pero pinigilan siya ni Mang Carding. Hayaan daw muna itong mapagisa. Ang matandang lalaki na rin ang nagkuwento sa kanya ng lahat.

Trabahador sa hacienda ang pamilya ng ina ni DJ, si Karla. Nagkaroon ito ng relasyon sa bunsong anak ni Don Manuel, si Rommel. Nagmamahalan ang dalawa pero pilit pinaglalayo ni Don Manuel, dahil hindi ito pabor kay Karla. Mahirap lang ang dalaga at matapobre ang Don. Hanggang nagdalang tao si Karla. Nang malaman iyon ng Don ay pinalayas nito ang buong pamilya ni Karla sa hacienda. Namatay sa panganganak kay DJ ang ina nito. Sumunod na namatay ang ama nito, si Rommel, dahil sa isang aksidente.

Umupo siya sa tabi ng binata sa damuhan. Nasa burol sila. Doon niya nakita ito, dahil ang sabi ni Mang Carding ay doon ito madalas pumunta kapag naroon sa hacienda. Lagpas na kasi sa oras ng tanghalian ay hindi pa umuuwi ito.

"You're still blessed... You have Don Armando, Jian and Mang Carding." Gusto niyang pagaanin ang pakiramdam nito.

Hindi umimik si Daniel.

Gustong sabihin ni Kathryn na naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Pero magsisinungaling lang siya. Paano niyang maiintindihan eh wala naman siya sa sitwasyon nito. Hindi siya lumaking walang magulang. Hindi siya nagpalaboy-laboy sa kalye para mabuhay. Hindi siya inampon ng isang malayong kamaganak. Hindi siya itinatakwil ng sariling abuwelo.

"He will never accept me, Kath." Pagkatapos nang matagal na katahimikan ay nagsalita ang binata. "I tried my best... Pero wala pa rin. I decided to give up. 'Stop wanting to belong, DJ... They won't have you...' Sabi ko sa sarili ko isang araw. Napagod na ako."

Nakakapagod nga ang ganon, saloob-loob ni Kathryn. Nakakapagod na ipagsiksikan mo ang sarili mo sa mga taong ayaw sa yo.

"Pinsan mo pala talaga si Quen. I thought he was lying when he told the press that you're cousins." Sabi niya.

Nakakatandang kapatid ng ama ni DJ ang ama ni Quen na sumakabilang buhay na rin. May alam si Quen tungkol kay DJ, pero wala man lang ba itong interes sa pinsan?

Ni minsan, noong bata pa siya at nagbabakasyon doon sa hacienda ay hindi nabanggit ni Quen sa kanya si DJ.

"He lied..." Ang pakla ng tawa ni Daniel. Sa ibaba ng burol nakatingin ang binata. "Hindi totoong tinawagan niya ako para sunduin ka, di ba? Hindi nga niya alam ang number ko." Sinulyapan nito si Kathryn, "At hindi rin totoo ang engagement ninyo."

Napasinghap ang dalaga. Paanong nalaman nito?

"DJ," Kailan pa alam nito na fake ang engagement nila ni Quen?

"Sinabi ni Lolo Armando sa akin..." Sabi ni Daniel at inabot ang kamay ng dalaga. "You're not wearing your ring. Nakita kong suot mo ang singsing noong presscon. Napanood ko sa TV ang palabas ninyo."

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon