Epilogue

15.3K 365 139
                                    

“Akin na yan Dad!” nagtaas na ako ng kaunti ng boses dahil iniinis na naman niya ako. Kinuha niya kasi ang thesis ko at kailangan kong mag-aral at malapit na ang formal presentation ko sa Master’s degree ko na inabot ng ganito katagal bago ko natapos.

“Aalis tayo diba? Magbabakasyon tayo? So, no!”

Napatayo na ako sa pagkakahiga ko sa couch at hinabol ko siya na naglalakad pataas ng hagdan ng bahay. Pumasan ako sa likod niya habang pinipilit kuhanin ang thesis ko.

“Akin na yan, Dad,” sabi ko sabay lambitin ng braso ko sa leeg niya.

“No! Ito pa inuuna mo. Paano na yon mga anak mo, naasikaso mo na ba mga gamit nila?” Hay, pinapagalitan na naman ako ng tatay ko.

“Opo, tapos na po. Nasa kwarto po sila at maglalaro daw muna habang naghihintay pos a inyo.”

“Ahh, akala mo ligtas ka na. Ako hindi mo man lang ba ako aasikasuhin? Paano na ang mga damit ko na dadalhin.”

“Hay, Dad, maayos na po. Noon isang linggo pa. Kaya akin na yan.” sabay abot ko sa thesis ko pero nilayo niya gamit ang isang kamay samantalang ang isang kamay niya ay nasa may pwetan ko at inaalalayan ako habang nakapasan sa kanya.

“Ahh, no, akala mo tapos na ha.”

Nagulat nalang ako ng tumatakbo palabas ng kwarto ang dalawa kong anak. Si Lee at si Jam  parehong apat na taon. They are twins, fraternal twins. Lee, as we call her is named Amelie Margaret, while Jam’s full name is Timothy James. Lee looks like her Dad while Jam looks like me.  Both are very lovable like their Dad.

“Lee, kunin mo ang thesis ni Mommy kay Daddy, dali,” utos ko sa baby ko na nakatingin sa amin at nakangiti.

“Laro  po kayo ni Daddy, Mommy?” nagkatinginan naman kami ni Tim sa sinabi ni Jam.

“Oo, baby, kaya tulungan niyo si Mommy. Tag, the thesis ang laro namin. Dali na kunin niyo.” utos ko pa.

Tumakbo papunta sa amin ang kambal at sinubukan kuhanin ang thesis ko sa Daddy nila.

“No fair! Si Mommy lang ba ang lov—“

“Daddy,” sabi kong bahagya ng malakas at hinawakan kong mahigpit ang leeg ni Tim. Hindi niya pwedeng bigyan ng ganoon pag-iisip ang mga bata.

“Sorry, Mommy. Sige, bring it on,” paghahamon pa ni Tim.

Yumupyop sa dalawang binti ni Tim ang dalawa at hirap na hirap sa paglalakad ang asawa ko. Napagkaisahan na naman siya.

Narating din namin ang kwarto at pakiramdam kong hirap na hirap siyang dinala kaming lahat doon. Binaba na niya ang thesis ko sa kama at binaba niya na rin ako doon matapos noon ay isa-isa niyang kinarga ang mga anak namin at binaba rin isa isa sa kama.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon