The Date!

10.7K 179 44
                                    

Ang sakit ng ulo ko!Kung pwede lang ‘di pumasok gagawin ko pero kailangan. Hindi magandang reason ang hangover sa leave of absence.

Late na ako nakarating. It was 9:30 at buti nalang wala pa si Dr. Aquino kundi patay ako.Hindi pa sana ako magigising kung hindi dahil kay Mama. At buti nalang hinatid ako ni Papa sa ospital dahil kung hindi naku baka bukas pa ako makarating sa traffic.

Ano bang nangyari kagabi? Anung nangyari sa bidding? Anung nangyari at di ko na matandaan paano ako nakauwi ng bahay?

Phone. My phone’s ringing.

"Hello... Yes… Sorry po Tita.Sorry… Opo. 7 pm… Sino po ba ang highest bidder, Tita? Wala po kase akong idea eh sorry na po talaga. Sorry na po.Ganun po ba? Mamaya nalang. Thanks." Lalong sumakit ang ulo ko sa paalala ni Tita na may date mamaya. Sino ba kase ang nanalo sa bidding?

 Nagitla na naman ako ng hindi ko pa nabibitawan ang phone ko nang tumunog ulit ito. Si Nelly.

"Nelly!Sinong highest bidder? Anong nangyari kagabi? Ikaw daw ang nag-uwi sakin sabi ni Mama eh. Wala na akong maalala!"

("As in wala talaga?")

"Ang kulet Nelly ha. Sinabi ng wala paulit-ulit? Gumising ako with a massive headache. Ano nga bang ininom natin?"

("Tigilan mo ako Margaret! Ikaw lang ang nagpakalasing. Ano ba kasing nasa isip mo at uminom ka ng ganoon kadami? Tapos ‘di mo nakilala yun bidder mo. Ang gwapo!")

"Oh gwapo? Sino?"

("Ewan. Bigla din nawala kagabi noon tumakbo ka. Hinanap ka ata. Haha! Ewan. Mas interesado ako sa kahalikan mo kagabi, Margaret! Ang hot ng lalake na ‘yon. Sino ‘yon?")

"Ka-kahalikan? Kailan?" tanong ko. Anong pinagsasabi ni Nelly?

("Kagabi. Grabe ka nga makipaghalikan doon sa lalake. Kung ‘di pa ako dumating baka narape mo na ‘yon!")

"Ano? Anong sinasabi mo nakipaghalikan ako? Rape? Baka ako pa nirape? Diyosko ano okay naman ba ako hindi ba ako pinagsamantalahan?" Bakit hindi ko yun maalala? Hala!

("Naku Meg, I doubt it! Ikaw angnakahawak sa lalake ng wagas! Ikaw talaga ang nanamantala! Pero infairness kahit ako sa posisyon mo pagsasamantalahan ko rin‘yon!")

"Ganoon? Wala akong maalala talaga. Nawalan ba ako ng malay?"

("Sa pagkakatanda ko tumigil kayong maghalikan kasi nakita ako ni Mr. Oh so damn hot and sexy Guy, then pinagpilitan mong kunin ang damit niya na inamoy amoy mo  tapos nakatulog ka na. Hindi ata himatay yun. Sobrang inom kaya sobrang antok.") Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"Kinuha ko ang damit niya? Honestly Nelly? Walang halong panggugood time ‘to? Patay ka sakin ‘pag niloko mo ko!" Hindi ‘yon totoo di ba? Wala akong maalala. At kinuha ko pa ang damit ng lalake? C'mon? Hindi ako ‘yon!

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon