Expressing in subtle ways?

9.7K 193 89
                                    

“You’re beautiful.”

“Thanks,” sabi ko sabay ngiti sa kanya.

“I’m sorry,” malungkot niyang sabi at halata ko sa mukha niya ang panghihinayang.

“Okay lang yan Kurt. Atleast we could still date,” nakangiti kong sabi sa kanya habang nakatingin sa frustrated niyang mga mata.

“You’re just too sweet and understanding, Marg—I mean Meg.”

Napangiti nalang ako sa muntikan pagtawag niya sana ng buo sa pangalan ko. Mukhang hindi pa rin siya sanay tawagin ako sa nickname ko. Well, okay lang din naman na tawagin niya akong Margaret pero nagpumilit siya na tawagin niya ako sa aking palayaw.

“Let’s order,” sabi niya sabay tayo at kuha ng kamay ko.

Lumabas na kami ni Kurt ng tatlong beses at ito na nga ang pang-apat. Kaso dahil sa hectic niyang schedule ngayon at dahil sa hospital emergency napurnada ang dapat date namin ngayon gabi. Kaya imbis na makonsensya siya lalo dahil hindi niya ako nailabas ngayon, ako na ang nagpresintang pumunta sa hospital at dalawin siya. Tutal pagod na rin siya at ayoko ng paguluhin pa ang ulo niya ng bagay kakaisip tungkol sa hindi natuloy na date.

Our past dates were good. We enjoyed dinner by candlelight in a garden resto, dinner in a private yacht and dinner in the highest resto in the metro. We usually ate, talked about the new things in our life, enjoyed each other’s company, held each other’s hands and gazed into each other’s eyes.

“Anong gusto mo? Meroon silang fried chicken, fried chicken at fried chicken? Ang hirap tuloy mamili,” sabi ni Kurt sa akin sabay ngiti.

“Ang hirap nga eh, teka mag-iisip lang ako…ahm…ahm…fried chicken nalang.” Sabi ko sabay balik ng ngiti niya sa akin.

“Palagay ko yon nalang din ang order ko dahil nahihirapan akong pumili eh,” sabi niya sabay kindat pa niya sa akin.

Nakatingin lang sa amin ang attendant ng hospital café at mukha siyang natatawa sa pinag-uusapan namin ni Kurt.

“Dalawang fried chicken, dalawang rice, dalawa nitong sinabawang leche flan-“ Pinalo ko si Kurt sa balikat niya dahil sa panloloko sa attendant. “Bakit?” tanong niya sa akin na kunwari hindi alam ang tinutukoy ko. Umiling lang ako sa kanya at pinisil niya lalo ang kamay ko.

“Ehem… Dalawang leche flan at dalawang iced tea. Meron ba kayong soup?”

“Wala po Doc, mainit na tubig lang,” sabi ng attendant na mukhang nagtataray. Siguro naka-ilang tanong na rin sa kanya ang mga tao kung may soup sila dito.

“Pwede rin no Meg, sabaw ko yon mainit na tubig sa kanin, sa palagay mo?” nagbibirong sabi ni Kurt sa akin. Alam kong kahit na biro iyon ay rinig ko na medyo iritado na si Kurt dahil na rin sa sobrang busy niya ngayon at hindi alam kong gutom na siya.

“Ah! May cup noodles kayo, Miss?” tanong ko dahil sa nabuo kong ideya.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon