What I am to you?

9.9K 179 47
                                    

Grabeng pagkagulat ko ng makita ko si Kurt na nakatingin saamin. Nakataas ang kilay at namumula.

Dali-dali akong tinakpan ni Tim ng katawan niya at si Kurt naman ay tumalikod.

“Bedroom” Tim looked at me over his shoulder. Tinuro ang direksyon ng bedroom niya. Tumango ako. Kinuha ko ang piraso ng mga damit ko at nagmamadaling pumasok sa kwarto niya para magbihis.

Nakita kami ni Kurt!! Well, I don’t care. May masama ba kung nakita niyang nakikipaghalikan ako kay Tim? Ang ikinahihiya ko lang na nakita niya ang itsura ko. My God! Nakakahiya naman dumadami ng nakakakita ng katawan ko with only my undies on.

Pero bukod dun and mas ikinagulat ko talaga na makita sa pad ni Tim si Kurt. Bakit siya andito? Hindi ko makuha ang sense. Sinabi niya na hindi na babalik si Tim. Tapos, paano niya nalaman nakauwi na sa residence niya si Tim galing sa medical mission?  Magulo!

Nagmadali akong nagbihis. Marami akong tanong sa isip pero hindi ko alam kung maitatanong ko ba yun paglabas ko ng kwarto. Si Tim nga malabo kausap. At si Kurt naman napagsabihan ko ng maraming masasakit na salita kaya ang kapal naman ng mukha kong magtanong matapos ng sinabi ko sa kanya.

Pero naku! Baka mag-away ang dalawa! Baka nagbakasakali si Kurt dito dahil sa sinabi ko sa kanya na ‘about bypassing Tim’ sa desisyon ng hospital para sabihin ng daretsahan kay Tim ang nangyayari. Baka kung anong gawin ni Tim kay Kurt kapag nalaman niyang ipinaayos ang dating clinic ng Dad niya para hatiin sa dalawa at doon balak magclinic ni Kurt!

Oh no!! Away to!!

Binuksan kong madali ang pintuan ng kwarto ni Tim at tumakbo papalabas.

Tim? Kurt?

Nakita ko sila nakaupo sa bar stool sa may counter ni Tim sa kitchen. Mukhang hindi naman sila nag-aaway. Pareho silang kalmado.

Tim with his clothes on again holding the bridge of his nose while Kurt looking away. Napakagat ako ng labi. Mukha silang male models na nasa photo shoot acting the theme. Hay! Ano bang iniisip ko sa ganitong pagkakataon?!

Si Kurt ang unang nakakita sakin at nakatingin siya ng seryoso, hindi na ako nakapag-react agad. Tinignan niya si Tim kaya napalingon siya sakin.

Tumango lang ako kay Tim pagkatapos ay kay Kurt. Mabilis akong pumunta sa sala ni at sinuot ko ang sapatos ko, sabay hablot ng bag at coat ko. Naglakad na ako towards the kitchen kasi yun din ang way papalabas ng pad ni Tim. Mukhang hindi ko na kakayanin magtanong sa dalawa dahil sa kakaiba pero kalmadong atmosphere meron sa kanilang dalawa ngayon.

As match as I want to put my fingers into it but my gut my feeling told me otherwise.

“Mauna na ako. Dr. Aquino, Dr. Lee.” Tumingin ako sa kanilang dalawa at nakatingin lang din sila sakin dalawa. Pero tama ba na iwanan ko silang dalawa? Hindi ba sila mag-aaway o magpapatayan? Knowing Tim may pagkabrutal siyang tao.

“Hindi kami magpapatayan o mag-aaway gaya ng nasa isip mo.” Sabi ni Tim na nakangisi sakin.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon