Her ending, His ending, Their ending (2)

12.2K 262 141
                                    

Hinawakan niya ulit ang baba ko at pinilit niyang itinaas ang mukha ko pero tinanggal ko ang pagkahawak niya sa baba ko at tinakpan ko ang mukha ko ng palad ko. Ayoko ng tumingin sa mga mata niya. Mas masasaktan lang ako. Sapat na sa akin ang mga sinabi ko. Tama na.

“Look at me.”

I just shook my head in response to him. I woudn’t dare do that.

“Margaret look at me, please.”

“Tama na, Tim. Hindi na kita naiintindihan.”

“How will you understand me if you don’t want to look at me? Margaret, look at me.”

Pinipilit niya akong intindihin ang mga pinagsasabi niya samantalang hindi man lang niya naiintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ba niya maintindihan kung bakit ayoko ng tumingin sa mga mata niya? Hindi ba niya alam na kapag tumingin pa ako ulit sa mga mata niyang iyon baka mabaliw lang ako dahil sa sakit na maaring maramdaman ko. Hindi ba niya alam na kapag tumitingin ako sa mga mata niya nakikita ko na kaming magkasama na kabaligtaran naman sa pagtingin niya sa mga mata ko dahil hindi na ako ang nag-iisang nakikita niya, hindi na ako ang mahal niya.

“Don’t make me force you to look at me, Margaret,” rinig ko ang pagbabanta sa boses niya. Gustung-gusto ko ng umiyak pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong sampalin siya sa pamimilit niya sa akin. Hindi niya ba nakikita na nahihirapanan na ako? Inaasahan ba niya na nakangiti ako matapos niyang sabihing, ‘he felt sorry for me’?

“Okay, you have been warned.” Nagulat nalang ako ng pinipilit niyang alisin ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko.

“Ano ba, Tim! Ano pa bang gusto mong makita ko sa mata mo?” I shoved him off using my hands I was caught off guard and by that he grabbed hold of my two hands away from face firmly.

“Happy?” He was so annoying!

And he just smiled, adding up to my irritation.

“Ano ba kasi gusto mong intindihin ko pa Tim? Please tama na.”

“Try to understand, Margaret. Try to understand and listen to every word I say. I will only say everything once,” unti-unting nadadala na ako ng halu-halong emosyon. Gustung-gusto ko na talaga siyang sampalin sa pinipilit niyang pagawa sa akin.

“I want you to understand everything that I say.”

“I’m trying…” I said as I held myself back.

Ipapamukha ba niya sa akin kung ano ang sinayang ko? Ipapamukha ba niya sa akin kung gaano niya siya kasaya kasama si Eeza at sa nalalapit nilang kasal? Gusto ba niyang makita ko ang saya sa mata niya na hindi ko naibigay ng magkasama kami?

Alam ko matapos nito magiging miserable na ang buhay ko. Hindi ko na kayang magmahal pa gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya at sa palagay ko hindi na ako magmamahal pa ng ganito. Magiging mag-isa at matandang dalaga na ako sa huli dahil ayoko ng sumubok magmahal kung hindi rin lang siya. Ayoko na.

Old and UnwantedWhere stories live. Discover now