His first, my first.

9.6K 176 36
                                    

Ramdam ko ang mainit na paghinga niya sa may tenga ko. Hindi ko alam tuloy kung lilingunin ko ba siya o ipapatuloy ko nalang ang pagtulog ko.

Pero hindi rin ako nakatiis at hinarap ko siya at sa pagharap ko na iyon ay naghihintay na ang mga mata niya sa akin na nakatingin.

Ngumiti ako sa kanya at ngumiti lang din siya sa akin. We were looking at each other for a while then he kissed me.

The kiss was deep and passionate that I entertwined my fingers to his locks while he gripped my waist for me to get closer to him.

Lumapit pa ako sa kanya at mas lalo ko pang pinantayan ang lebel ng paghalik niya ng bigla siyang tumigil. Hahalikan ko pa sana siya ulit pero hinawakan niya ang mukha ko. Idinilat ko ang mga mata ko  at nakita kong malayo na ang mukha niya sa akin.

Umiling lang siya sa akin. Nilapit ko ulit ang mukha ko sa kanya at sinubukan kong halikan siya pero iniwas niya ang mukha niya sa akin.

“Tim? Ano bang nangyayari sayo, ha?” tanong ko dahil naguguluhan na ako sa nangyayari.

“Wala.”

“Eh bakit ka tumigil na halikan ako? Andoon na yon momentum tapos sisirain mo na naman ulit. Nagsasawa ka na bang halikan ako?”

“Hindi.”

“Bad breath ako?” tinakpan ko ang bibig ko ng kamay ko at hiningahan ko iyon.

Natawa siya ng mahina.

“Margaret none of those things, okay?”

“Eh ano? Hindi ko ba pwedeng halikan hanggang gusto ko ang boyfriend ko?”

Nagbuntong hininga na naman siya. Bagay na malimit niyang ginagawa magmula ng dumating ako dito sa kwarto niya.

“Margaret, listen. Hindi ako kagaya mo.”

“What?!”

“Hindi ako kagaya mo na nakakapag-isip ng matino ngayon, ngayon andito ka at katabi ko. Lalong lalo na ngayon dito sa kama. I just can’t. At lalong lalo na hindi ako kagaya mo na hindi man lang naapektuhan ng mga ginagawa natin ngayon, dahil apektadong apektado na ako ng mga halik mo at kaninang kanina pa ako nagpipigil, Margaret.”

Natigilan ako sa sinabi niya.

“S-so kaya ka nagtulug-tulugan kanina matapos mong makipaghalikan sa akin ay dahil doon?”

Tumango lang siya.

“At kaya ka tumigil ngayon dahil nakakaramdam ka na naman ng ano?”

Bakas ko sa mukha niya ang pagkapahiya niya sa sinabi ko.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon