New beginnings and hesitations

9K 174 93
                                    

(Tatlong taon ang lumipas…)

Katahimikan.

Naghanap ako ng ikatatahimik ng magulong isip ko. Lagi ko siyang naiisip, lagi ko siyang nakikita sa mga taong nakakasalamuha ko, lagi ko siyang naririnig sa guni-guni ko at gusto ko lang ng katahimikan.

Tama na siguro ang pagiging martir ko. Hindi rin naman ako magkakaroon ng award dahil doon at hindi rin naman ako patatayuan ng rebulto.

Sa paghahanap ko ng ikatatahimik ng isip ko nakakita ako  ng ‘haven of quietness’. At nahanap ko iyon sa isang lugar na hindi ko inaakalang mapupuntahan ko. Nahanap ko iyon sa isang eskwelahan. Nahanap ko iyon sa eskwelahan ng mga Deaf and Mute.

I didn’t know what came to me but I was engrossed with the quietness of how they communicate with one another. Signs. They communicated with signs. Hindi maingay, hindi magulo pero nagkakaintidihan ang mga tao.

I enrolled to a deaf school that is offering American Sign Language course and one of my classmates there encouraged me to try teaching Deaf and Mute children after finishing the advanced course in sign language. So I took a second degree which is teaching and then passed the LET examination and now I am teaching. I am also studying my Masteral Degree in Developmental Psychology while at it.

Natatawa na lang ako kung gaano ko kaayaw ang trabaho ni Nelly pero sa huli doon din pala ang bagsak ko. Pero iba kasi ang pagtuturo ng mga Deaf and Mute children. You have to make them understand a foreign concept which they can only see but cannot hear. Parang bang silent movies and you have to rely on your sight to understand them. Pero there’s more to it than understanding by sight. You have to instill the understanding with feelings. That even from the quietness of their mind their hearts can feel.

Naging tahimik ang mundo ko for past three years. Hindi ko na rin naman siya nakita o mas maganda atang sabihin kong iniwas ko na talaga ang sarili ko na makita pa siya. I moved out from our house to a nearby province which I have lived since 2009. Umuuwi lang ako kapag may okasyon at kapag bakasyon. Naging ganoon ang set-up ko for the past three years.

Nahihirapan akong magmove on kasi sa lugar na napakaraming memories at ang tamang atake sa ganoon ay umalis ka sa lugar na iyon. At sa palagay ko iyon ang pinakamagandang ginawa ko at ngayon nga ay natatawa nalang ako sa mga pangyayari sa nakaraan. Natatawa ako kung gaano ba ako ka-naïve pagdating sa pag-ibig. Hindi ko naman sinasabi na expert na ako ngayon doon. Pero ngayon, I learned my lesson well.

Ayoko na rin magmadali sa love na yan. Kung may darating eh di may darating, kung wala eh di wala. Masaya at fulfilled na ako at hindi ako natatakot tumandang mag-isa. Marami akong pwedeng gawin at madami akong pwedeng ma-accomplished.

“Meg, si Harry, my fiancé!”

Hindi pa rin ako makapaniwala at kahit si Mama ya nakapinid na lang ang bibig dahil sa pag-aanounce ni Tita Agatha na ikakasal na siya six month ago. At ngayon nga ay nakita ko na ang lalakeng fiancé ni Tita na talagang dinala niya sa bahay pagkauwing pagkauwi ko. Nadatnan ko na nga sila sa bahay na sweet na sweet na nakaupo sa couch. Napatingin ako kay Papa na nagkibit balikat matapos ay inakyat ang aking bag at dala-dalahan sa taas.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon