Meeting Helena

8.4K 175 59
                                    

“Meg, patay ba ang bibigyan mo ng bulaklak na yan?”

Napatingin ako sa bouquet ng bulaklak na inaayos ko na puti at purple ang malimit kung kuhanin na kulay at kakaiba ang pagkaayos ko.

“Sorry Ma.” Binitawan ko na ang ginagawa ko at nagpunta nalang sa counter sa unahan parte ng flowershop.

“Meg…” Nilapitan ako ni Mama at niyakap niya ako. Gustung-gusto kong umiyak kay Mama ngayon pero pinipigilan ko. I am not going to talk about him anymore. Iyon ang napagpasyahan ko at iyon ang gagawin ko.

“Ma, I’m a big girl now,” sabi ko dahil hindi pa rin niya ako binibitawan.

“Hmm, alam ko Meg. Pero dahil ba matanda ka na hindi na ba kita, anak? At hindi na ba kita pwedeng yakapin?”

“Point accepted, Ma.” Ngumiti ako at niyakap ko rin si Mama. “Hmmm…This feels good once in a while.” Ganoon nga ata talaga, meroon talaga tayong strong affinity sa mga nanay natin at alam natin na poprotektahan nila tayo kahit anong mangyari. Kaya ganito nalang ang pagkaginhawang naramdaman ko sa yakap ni Mama.

“Now Meg, would you please have this flowers delivered to this address.”

Kinindatan ako ni Mama matapos ay tinuro niya ang isang flower arrangement na naka-vase sa may counter na kanina ko pa hinahangaan sa ganda ng pagkakaayos niya. Matapos ay pumunta na ulit siya sa may likod ng flowershop para mag-ayos ng ibang orders.

“Meg, lakad na dali. Naka-paternity leave si Oscar at wala na akong maasahan magdeliver kundi ikaw.” Nagitla naman ako sa pagsigaw ni Mama mula sa likod.

“Opo, Ma.”

Paternity leave. Tsk! Kailangan pa bang ipaalala?

 Matapos ang mga nangyari hindi na ulit ako bumalik sa hospital. Para saan pa, wala na naman akong papel doon. Isang linggo na rin ang nakakalipas at wala na akong balita sa kanya o sa pamilya niya. As much as possible nilalayo ko na rin ang sarili ko sa kanila. Ayoko na rin masaktan pa kaya kailangan gumawa ako ng hakbang kahit mahirap at masakit. Nilagyan ko ng limitasyon ang sarili ko hanggang saan lang ako pwedeng masaktan at kung hanggang saan extent lang ako pwede maapektuhan nito. Pre-conditioning of the mind ika nga. Ginawa ko na rin naman to bago ko pa siya minahal kaya eto rin ang gagawin ko para makalimutan ko siya.

“Meg, sagutin mo muna ang phone bago ka umalis.”

“Okay, Ma.”

Buti nalang talaga naging busy ako dito sa pagtulong kay Mama. Malaking tulong talaga ito para kahit papaano maidivert ko sa iba ang atensyon ko.

“Scent of Woman Flower Shop, Good Morning! This is Meg and how can I help you today?” Right on cue ang opening spiel ko na nasanay ko ng gawin simula noon bata po. My Mama had this flowershop ever since that I can remember and I grew up helping her with the business.

“Yes, Ma’am as a matter of fact I’m going there to deliver your flowers. Thanks!”

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon