Torn

9.6K 181 88
                                    

“Happy Birthday, Lola!” sabi ko sabay yakap sa Lola ko. 70th Birthday ni Lola at pumunta kaming Batangas dahil may salu-salo kaming pamilya. Hindi naman engrande ang birthday ni Lola. Kaming pamilya lang, nag-iisang anak lang din kasi si Lola na anak at ang mga kapatid naman ni Lolo ay nasa ibang bansa ng lahat. Ang handaan nila kasama ang isang buong barangay ay natapos na noon makalawa at ngayon naman ay para sa pamilya naman. Iba talaga si Lola meroon pa siyang handa exclusive for family lang.

“Nasaan ang boyfriend mo, Margaret?” iyon agad ang bungad sa akin ni Lola pagkatapos ko siyang yakapin.

“Wala pa akong boyfriend, Lola,” sabi ko sabay hila kay Lola papasok ng bahay.

“Anong, wala? Hoy, Margaret matanda na ako pero hindi ako nahuhuli sa balita. Nasaan na ba iyon Papa mong gwapong doctor?” Natigilan naman ako ng di oras sa sinabi ni Lola. Seriously, Papa? Si Lola talaga.

“Lola, di ko pa po siya boyfriend, ‘dating’ palang kami at dadating siya mamaya. Hahabol.”

“Anong dating? Ang tagal niyo na ha? Di ba apat na taon na ang nakakalipas dating pa rin kayo?”

Natigilan ako sa sinabi ni Lola. Mukhang huli nga siya sa balita. Si Tim pa ang tinutukoy niya eh.

“Lola, hin—“

“Granny, hayaan mo darating iyon, lagi naman diba?” sabi ni Kuya at biglang agaw niya sa pag-akay kay Lola.

“Kuya?”

“Yes, baby sister?” sabi ni Kuya at ang kanyang nakakalokong ngiti.

“Anong pinagsasabi mo?” nakataas kong kilay na tanong sa kanya.

“Diba sabi mo hahabol yon ‘dinedate mo’ mamaya,” sabi niya at hindi ko maintindihan ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Kuya.

“Okay, nasaan na si Ate Hazel, Kuya?”

“Break muna kami ngayon araw na to,” sabi ni Kuya sabay smirk. Inirapan ko nalang siya. If I know hanggang ngayon wala pa rin progress ang relasyon nila dahil si Kuya ay walang lakas ng loob umamin. Tsk! Daig ko pa.

Nag-iba-iba na kami ng gawa pagkatapos ng batian. Tinulungan kong ihanda ang kubo na kung saan magkakainan ang buong pamilya. Naeexcite ako kasi pupunta sina Tita Agatha at kasama si Tito Harry, may addition na kami sa pamilya. Ang saya lang.

 Napatingin ako sa handphone ko para tignan kung nagtext o tumawag si Kurt pero wala pa. Alam kong busy siya, pero sinabi niya sa akin na hahabol siya no matter what at naniniwala ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang ipakilala kay Lolo at Lola at gusto kong malaman kung anong masasabi nila kay Kurt.

Narinig ko nalang na maingay sa loob ng bahay. Mukhang may bagong dating. Sina Tita siguro, natuwa naman ako. Tinignan kong mabuti ang inayos ko at mukhang okay na ang lugar na pagdadausan ng birthday ni Lola. Cake na lang ang kulang for display, sino nga bang assign sa cake ngayon? Hindi naman si Mama, si Papa o si Kuya at hindi rin ako. Ako ang in-charge sa dessert, ah baka si Tita o kaya si Tito Harry.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon