This foreign feeling called 'Love'!

8.6K 191 50
                                    

“T-tim can we stay here a little longer?” Hinawakan ko ang kamay niya na ngayon nga ay nakahawak sa manibela ng sasakyan niya.

Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

“Wa-why?” tanong niya na binabasa ang mukha ko sa maaring maging sagot ko.

“G-gusto pa kasi kitang makasama.” Napatungo ako sa pag-amin ko. Anong magagawa ko sa totoo naman ang sinabi ko.

“Next time, Margaret. Mahirap ng magmaneho ng gabi dito wala masyadong ilaw.” Ngumiti siya sa akin na tila nag-aalinlangan sa sinabi niya.

“K-kasi…ayokong umuwi. Ayoko pang matapos ang araw na to. Kasi kung panaginip to gusto ko ng sulitin. Alam mo yon? Kasi kung gigising ako bukas masaya ako dahil nasulit ko ang panahon ko sayo.”

“Margaret…” sabi niya at kita ko ang softened look na bakas sa mga mata niya.

“Tim…please.” hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin bakit naging ganito na lang ang pagkagusto kong makasama siya ng matagal. Na parang kapag natapos ang araw na ito bigla nalang mawawala na ang lahat. Kakaiba ang pakiramdam ko.

Napalunok siya sa pagkasabi ko at kinuha ulit ang susi niya sa susian ng kotse.

“As you wish, tuloy ka ulit sa tahanan ko.” sabi niya at bakas ko ang pag-aalinlangan sa ngiti niya.

“Anong gusto mong gawin? Pasensya na ha walang TV o Kinect na pwede nating pagkaabalahan.” Napatingin ako sa kanya. Andito kasi kami sa may veranda ng bahay niya at nakaupo sa magkahiwalay na upuan.

“Masaya na ako ng ganito. Corny man pero totoo eh.” Natawa nalang din ako sa sinabi ko.

“Ganito? Mamaya lang mababagot ka na. Teka lang hahanap ako ng pagkakaabalahan natin.” Sinundan ko siya ng tingin ng pumasok siya loob.

Malamig ang simoy ng hangin dito sa lugar niya. Siguro dahil mataas na lugar na rin ito at isama mo pa ang napakaraming puno na nakapaligid sa bakuran niya. Ang sarap sa pakiramdam na andito lang kami sa isang secluded na lugar na walang ibang iniisip kundi ang ienjoy ang company ng isa’t isa. Sana hindi na ito matapos, sana hindi pa.

Pagbalik niya ay madala na siyang sungkaan. Natuwa ako. Kailan ba ang huling beses na nakapaglaro ako ng sungka. Nawawala na talaga ang mga ganitong laro ngayon. Pero ang kinatuwa ko talaga, talagang bagay na bagay ang larong ito sa theme ng bahay niya.

Naglaro kami at di na rin namin alintana ang oras. Tawanan lang kami ng tawanan, lokohan at may konting flirtation kung minsan. Masaya talaga akong kasama siya at ganito kami na para bang kapag ipininta mo isang masayang larawan na sana forever nalang masaya.

Napahikab ako. Napatingin ako sa relo ko at alas diyes na rin pala ng gabi. Nagkasarapan sa paglalaro at pagkukwentuhan.

“Inaantok ka na?” sabi niya. Tumingin ako sa kanya matapos kong kusutin ang mata ko.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon