Give in to me (Part 1)

10.4K 174 66
                                    

" Attraction is the temporary love " but " Love is the permanent attraction "

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Asan na napunta ang Maria Clara kong kapatid?” Ay sus! Ang reaction ni Kuya matapos kong ikwento lahat sa kanya ang nangyari.

“Si Maria Clara ngayon ay alak na kaya hindi na siya magandang role model.”sinubsob ko ang ulo ko sa mesa habang pinapanuod si Kuya na may dalang spaghetti na niluto niya at isang pitsel ng juice.

“Good point, Meg!” Ngumiti lang siya sakin habang nilapag niya lahat ng dala niya sa maliit na mesa dito sa may kusina. “Attack na Meg.”

Kumuha na agad ako ng tuna spaghetti ni Kuya samantalang nilalagyan niya ng juice ang baso ko. Ganito talaga ako binababy ni Kuya. At dahil minsan lang siya umuwi sa bahay sinasamantala ko na. Buti nalang talaga andito siya at kelangan ko ng kausap. Wala rin kasi si Nelly kasi sobrang busy niya sa school at ngayon nga ay nasa teacher’s conference at bukas pa ang dating kaya hindi ko siya makausap buti nalang talaga andito si Kuya kundi maloloka ako kakaisip.

Sumubo na agad ako ng spaghetti at nanlaki ang mata ko sa sarap ng bagong imbentong luto ni Kuya.

“I hate you, Kuya! Bakit ang galing mo magluto nakakainis ka!”Sabi ko habang ngumunguya. Ako na ang walang manners. Si kuya lang naman eh.

“Of course, bunso. Para maalagaan kitang mabuti.”

I choked from what he has said.

“Wala ka bang balak mag-asawa, Kuya?”

“Wala pa sa ngayon. After you, bunso. After you. Kelangan ko pang siguraduhin na masaya ka.”

I smiled. I think Kuya is an ideal guy, the perfect man for every girl. Maswerte ang magiging girlfriend niya. Magaling magluto, mamalantsa, maglaba at lahat halos ng gawain bahay. Haha! Isa siyang member ng tigas! Tiga-saing, tiga-laba, tiga linis and so on and so forth! Haha! Para ko nga siyang Ate kung mag-alaga. Gwapo din si Kuya, yun tipong boy next door ang dating, medyo lampa nga lang at nerdy kung pumorma dahil na rin sa salamin niya sa mata at dahil kakaiba siya manamit.  Well, kagaya ko ‘No GF Since Birth’ naman si Kuya.

“Then I guessed Kuya magiging matandang binata ka.” Sabi ko na parang natural lang gaya ng paghinga ang sinabi ko.

“Akala ko ba Tim has this attraction to you, bakit ganyan, Meg?”

“Obviously Kuya it was denied, I didn’t hear any from him after two weeks. Nagpunta na ako sa ospital at nagresign and he wasn’t there. Kurt told me that he was busy with something and he may not be coming back for the mean time in the hospital. Wala kuya, wala. I think yun ‘something’ na pakiramdam ko ay ‘nothing’ pala at guni-guni ko lang.”

“Bakit hindi ka ulit pumunta sa pad niya?”

“Kuya? “

“I mean kung gusto mo lang naman siyang makausap bakit di mo pa nilubos lubos ang paraan.”

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon