Tim's POV

10.3K 187 84
                                    

Mahaba po ito. Warning lang.

 ~~~~~~~~~~~~~~~~

Tatlong taon ang lumipas at marami ng nangyari pero sa tatlong taon na iyon meron parin namang nanatili...

 Bumalik ako sa Med School, oo, nag-aral ulit, nagsanay ulit, nagresidente ulit at ibinalik ulit ang pagsasanay sa napili kong specialization. Ginawa ko iyon dahil ayokong isugal ang buhay ng mga tao dahil sa maaring naging kakulangan ko, at malaking pasasalamat  ko na naka-survive ako sa special refresher’s/crash course at napatunayan ko lang na wala pala talaga akong natutunan dati, pero joke lang yon.  Napatunayan ko na lahat pala ng nalaman ko at natutunan ko sa pinili kong field ay wala pa rin pinagbago at kung meroon man nagbago ay mas nadagdagan pa ang nalaman ko kahit na naaksidente ako. Talagang pumili lang talaga ang utak ko ng isang alaala at sa di inaasahang pagkakataon ang kinuha pa niyang alaalang kalimutan ko ay ang buhay kasama si Helena. Hindi man lang siya nagtanong kung gaano kahalaga ang alaala na iyon sa akin at basta lang niya itinago. Hindi niya man lang inalam na ang alaala na yon ang nagpabago ng buhay ko pero walang pakundangan niyang kinuha. Napakaswerte ko talaga, Oo. Ewan! Pero, laking pasalamat ko na may taong tumulong sa akin para bisitahin at hanapin ang nawalang alaala na iyon. Pero ang pagkatuklas doon ay nagpakumplikado ng lahat. Nasaktan ako at may sinaktan pa akong tao. Napakagandang buhay talaga! My life sucked bigtime!

Remembering my life with Helena was not like watching a romantic movie that is sappy perfect, with swirls of romance, dash of comedy, spice of light drama and then cooked into perfection---to that so called ‘we lived happily ever after’. No, she isn’t with me right now for that to happen or for me to make it happen.

I met Helena during university days. Kaklase ko siya sa pre-med at sa panahon na iyon ay kilalang kilala ako sa buong campus, well, sino ba naman ang hindi makakakilala sa akin? I was the handsomest man in the campus and frankly speaking the hottest, Nate being the second of course, but more than that I am athletic, talented and of course intelligent. At dahil sa mga qualities na iyon para lang akong magnet kung maka-attract ng babae. Mapa-maganda, hindi ganoon kaganda, sa hindi binayaan ng kagandahan; sa mga balingkinitan katawan, sa mga may katabaan at sa mga matataba; sa mga estudyante, propesor or empleyado ng university, at kahit na ano pa man classification ng kababaihan, lahat sila ay hindi maiwasan at di kayang pigilan na mahumaling sa akin. Para lang akong nagpapalit ng damit kung makapagpalit ng babaeng kasama, take note, hindi ko sila pinilit sila ang kusang nagkakandarapang sumama at sino ba naman ako para tumanggi, diba? So para ma-accommodate silang lahat iba-iba ang kasama ko araw-araw, ang talino ko lang ng kabataan ko, pero ngayon alam kong naging gago ako.

Oo, ngayon inaamin kong naging gago ako.

Well from those classifications given, Helena was not one of them. Helena was among the prude ones, the prude ones consisted of some that I screwed and just wanted revenge and I really didn’t have the slightest idea why they would want that since they first and foremost knew that I’m not the relationship type of guy. But not Helena, she was the purest of the prude ones, the off limits. Pakiramdam ko nga na pinagdadasal niya akong mabulok sa impyerno kapag hindi sinasadyang magkasalubong kami at magkatinginan. And I really don’t mess up with girls like that. Bakit ko ipipillit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin kung meron naman nagkakandarapang lumalapit. Makes perfect sense, right?

Then came Nate and Donna’s engagement. Hindi ko aakalain na makikita ko ulit si Helena at sa panahon na iyon at makausap. Alam kong hindi siya tumuloy sa pagdodoktor niya pero laking gulat ko sa layo ng trabaho niya sa pre-med course namin. At dahil sa pagkikitang iyon para bang na-curious ako sa pagkatao ni Helena. Iniisip ko kung siya pa rin ba ang dating siya na mukhang papatayin ako kahit sa titig lang ng kanyang mga mata at dahil doon nagsimula akong maging interesado. Idagdag mo pa ang naging lagi namin pag-uusap dahil sa nangyayari kina Nate and Donna. Silang dalawa talaga ang naging tulay para mapagtuunan ko ng kakaibang pansin si Helena.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon