Sasabihin ko ba o hindi?

10.5K 177 23
                                    

After ba nga kiss ano na ba ang dapat pakitungo ko sa kanya?

Mahihiya? ‘Ahmm, Dr. Aquino, napagpasyahan ko na po na huwag munang magresign hangga’t  wala pa po akong kapalit’ with matching beautiful eyes pa at sukbit ng buhok sa tenga? Napapailing na lang ako.

Galit? ‘Walang kang kwenta Dr. Aquino. Bwiset na buhay to oh sige hindi muna ako magreresign. Lintik na yan kung wala pa akong kapalit!’ with matching glare, raised eyebrow at clenched fist! Napabuntung hininga na lang ako sa naisip ko.

Umayos na lang ako ng upo ng makita ko siya sa bungad ng pinto. Gaya ng dati bago siya pumasok ngiting ngiti siya dahil nakipagngitian siya sa mga patients niya. Pero pagkaapak na pagkaapak niya sa loob. Magseseryoso ang mukha niya at hindi niya sasalubungin ang tingin ko sa kanya at hindi niya ako babatiin ng Magandang umaga man lang.

“Good morning.” Nanlaki ang mata ko sa narinig ko galing kay Dr. Aquino. Anong nangyayari? Si Dr. Aquino naunang bumati sakin?

“G-good m-morning po,” dahil sa pagkagulat ko ay hindi ako agad nakpaagsalita.

“Balita?” napakurap muna ako ng marami sa tinanong niya. Nagtatanong sakin siya ng balita?

“T-tungkol po saan? Sa weather po for today? Sa deflation or inflation rate ng peso?” Pero teka, bakit niya naman kailangan tanungin ang balita? Umiling lang siya sakin tapos ngumiti.

“Ms. Tan? Can I call you Margaret here in the clinic?”

Tumango lang ako kahit na naguguluhan.

“Margaret, kamusta ka na? ‘Yon ang tinatanong kong balita sayo.”

Breathe in and breathe out. Something’s wrong. Nakatingin lang siya sa akin sa tapat ng mesa ko. Isama mo pa ang napakaganda niyang morning smile na napakairresistible at ‘yon mga mata niya na parang kumikinang.

“G-good, I-I guess?”sabi ko na kinakabahan. Baka kasi bigla niya lang ako hatakin at ihagis lang kung saan. Hindi ako mapakali. Ano bang nangyayari?

“Wala tayong problema diba?” humilig siya ng konti sa may table ko papunta sa akin at napaurong naman ako sa kinauupuan ko ng di oras. Bigla bigla? Medyo malapit ang mukha niya sakin kaya napausod ako. Ano ba naman ito?! Hindi ko maiwasan mapatingin sa labi niya at maalala ko na naman yun ginawa namin. Napalunok ako lalo sa nakita ko sa labi niya. Meroon siyang maliit na sugat sa lower lip niya. Tsk! Akong may kasalanan nun.

 

Umiling nalang ako.

Tumingin ako sa mata niya at nakatingin lang siya sa akin. Gusto kong ialis na ulit ang tingin sa mga mata niya pero kapag tinatangka ko naman ay sa bibig niya naman napupunta ang tingin ko. Diyos ko, anong gagawin ko? Ano ba ‘tong nararamdaman ko?

“Good. Bigyan mo ako ng sampung minuto bago ka magtawag, okay?” Sabi niya kasabay ng pagngisi. I just nodded. Sa pagsmirk niya may nakita akong dimple niya sa kanan pisngi. Ngayon ko lang ata nakita ‘yon.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon