His fragile heart

8.5K 176 74
                                    

“We did all we could to help him. Therapies like psychotherapy, family therapy, eriksonian hypnotherapy and even creative therapy. Alam mo bang galit na galit siya kung bakit daw kailangan niya iyon gawin? Sinasabi lang ni Teo na kailangan niya iyon gawin dahil sa nagkaroon siya head trauma and he believed his Dad. Sinunod niya ang Dad niya pero kahit na ginawa niya iyon walang nangyari. Bukod tanging ang alaala ni Helena ang nawala sa utak niya. Ang naidulot na pagbabago sa buhay niya gawa ni Helena ay nawala at bumalik ang dating si Tim.” Natigilan ako sa pagsasalita ni Mrs. Aquino. Sinarado ko ulit ang pinto ng van na dala ko at humarap sa kanya.

Ramdam ko ang sakit sa pananalita ni Mrs. Aquino ganoon din sa facial expression niya. Kahit ako nasasaktan para kay Tim. Retrograde type Dissociative Amnesia. Ni wala man ito sa hinagap ko na nangyari sa kanya.

“God knows ginawa kong lahat para sa anak ko, Meg. Pero walang nangyari at mas lalong hindi ako makalapit sa kanya. But when you came Meg, nang makilala ka niya naging malaki ang pagbabago niya, napakalaki ng epekto mo sa kanya.”

“Ma’am, pareho po kayo ng sinasabi ni Dr. Lee. Pero hindi ko po maintindihan ang sinasabi niyong epekto ko kay Tim.”

Hinawakan ni Mrs. Aquino ang parehong kamay ko at tinignan akong mabuti.

“It was Kurt who found out your effect on Tim, Meg because it was him who was with him all the way.” She smiled at me and that look told me that she was proud of her son. “Alam mo bang parang ni-rewind mo ang mga nangyari sa buhay ni Tim noon nakilala ka niya?”

“R-rewind?” tanong ko at halata ko ang panginginig ko sa boses ko sa maaring malaman ko.

Tumango si Mrs. Aquino sa tanong ko.

“Was he protective of you, Meg? I mean, para bang ayaw ka niyang makikitang kasama o nakikihalubilo sa ibang lalake? Sa madaling sabi galit ba siya o inis ba siya kapag kasama mo o nakikipag usap ka kay Kurt?”

I recalled the time when he threatened me because of Kurt. Noon unang sinama niya ako sa conference at galit na galit siya talaga noon nakilala ko at nakausap ko si Kurt.  Nataandaan ko rin ng pumunta si Kurt sa clinic at inooffer-an ako ng Secretarial position na ikinagalit niya rin at hindi ko alam ang mga rason niya noon.

Nakagat ko nalang ang labi ko sa mga bumalik sa isip ko.

“Hindi siya ganoon sa kahit na sinong babae, Meg. Sayo lang Meg at kay Helena. Ganoon-ganoon siya dati kay Helena. Ayaw na ayaw niyang makikitang nakikipag-usap sa kanya si Kurt na para bang aagawin ito sa kanya.”

Napatungo ako sa sinabi ni Mrs. Aquino.

“Was he very pushy of you to be with him or to sleep with him? Because he was very persistent to Helena. At inis na inis sa kanya ito. Alam na alam ko iyon dahil kay Donna. Alam mo bang hindi siya nagpupursue ng taong hindi siya gusto? Hindi niya trait iyon, c’mon let’s be realistic sino bang tatanggi sa anak ko?”

She raised my chin so that she can see my eyes or maybe my reactions. Hindi ko maiwasan maalala ang mga pamimilit niya sa akin and that made me cringed.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon