Tug of war of feelings

9.7K 178 42
                                    

Humangos ako sa kinatatayuan niya. Pinagmasdan ko muna ang likuran niya at ang pagkuyom ng parehong palad niya. Galit siya sakin dahil sa ginawa ko at sinabi ko. Galit siya sakin. Paulit-ulit sa utak ko. At ayokong magalit siya sakin.

Ayoko.

“Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” Sabi niya at pinilit niyang tinatanggal ang kamay ko na nasa may tiyan niya.

“Ayoko. Sorry na. Sorry Tim.” Niyakap ko siya mula sa likuran at lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya habang pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya.

“Margaret, please!!”

“Ayoko!” Lalo kong nilapat ang katawan ko sa likuran niya at binaon ko ang mukha ko sa likuran niya.

Tumigil na siya sa kakakalas ng kamay ko at tumahimik. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakadiin ako sa likuran niya. Alam na naman niya bakit ganito kabilis ang heartbeat ko kaya bakit pa ako mahihiya.

Huminga siya ng malalim. Pero hindi pa rin siya nagsasalita. Nakayakap parin ako sa kanya at nakabaon ang mukha ko sa likuran niya. Ang bango niya talaga. A smell of musk and spiciness, a smell that is uniquely of him that I really love and I that I can identify as Tim.

“Margaret..” Mahinahon niyang sabi. “please let go.”

“A-ayoko kasi tatakbuhan mo rin a-ako.” Nangatal ang labi ko sa aking sinabi. The thought of him running away from me after the confession made me wanted to cry. Kahit na alam kong yun ang may pinakamalaking posibilidad na gawin niya. Kaya ayoko siyang pakawalan. God! I am crazy. I am pathetic! Kelan pa ako naging ganitong kadesperado sa isang lalake.

Ikaw lang talaga Tim! Bwisit ka!

He heaved a deep sigh again. Then he pressed my hands softly that made me shiver. The same feeling that I always feel when he does that.

“Margaret..” He said softly like whispering.

“I’m sorry Tim that I provoked you.. Alam ko hindi ko dapat ginawa yun in the first place, hindi ko dapat sapilitan na inalam ang bagay bagay sayo. Kaso masyado na kitang…ahmm.” No! Margaret hindi mo pwede ulit sabihin ang nararamdaman mo kay Tim. “ S-sorry, hindi na ako makikiaalam Tim. J-just wanted to…”  God! Hindi ko na alam ang sasabihin ko kung iiwasan ko ang totoong reason bakit ko ginawa yun sa kanya.

“Margaret..” My name sounded so good coming from his lips. It sounded so right coming from him. Gosh, I hate this feeling.

I heard my stomach growled loudly to the stillness of the cemetery.

“Tsss..” Lalo kong binaon ang mukha ko sa likuran niya. Nakakahiya! Panira naman!! Alam kong narinig niya yun. Ang lakas lakas. Nakakahiya!!

I felt him stifle. Napatawa ba siya at pinigilan niya?

“Margaret.”

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon