*Still untitled*

7.4K 160 119
                                    

Tumingin ako sa orasan ko. Six-thirty palang, mukhang napaaga ako sa dinner namin Kurt. Sana pala umuwi nalang ako matapos ng interview at nagpasundo sa kanya kesa dumeretso sa restaurant. Mahaba-habang paghihintay tuloy ang gagawin ko.

“Do you have reservations ma’am?” tanong sa akin ng babaeng receptionist ng bumungad ako sa entrance ng restaurant.

“Yes, under the name of Lee.”

Tumingin ang receptionist sa kanyang desktop matapos ay tumingin ulit sa akin at ngumiti.

“Ahm, ma’am. You’re reservation is at 8 pm however the restaurant is totally full today so we cannot accommodate you to an earlier slot of the table.”

“Ah…okay. I guess I’ll be waiting,” sabi ko sabay ngiti sa receptionist.

“Oh, pwede po kayo ma’am maghintay sa bar,” sabi ng receptionist sabay turo sa bar na katabi rin ng restaurant.

Ngumiti nalang ako sa receptionist at tumango. Nagtungo ako sa bar na nag-iisip na maari kong inumin doon na hindi naman ako maiintoxicate.  Sana nga meroon.

Pumasok ako sa bar at napangiti ako sa ambiance nito. Inspired ang bar ng 70’s at natuwa ako sa mga psychedelic na designs ng mga art pieces pati na rin ang mga vintage vinyl chairs. Mas lalo naman akong napangiti sa kanta na pinapatugtog nila na madalas kong naririnig na pinapatugtog ni Papa, Stevie Wonder, I just called to say I love you.

Naalala ko tuloy ang kwento nila noong magboyfriend-girlfriend palang sila Mama at Papa. They broke up, Papa was at lost without her at hindi niya alam ang gagawin, at dahil na rin siguro sa nature ni Papa na mahilig sa music,  kumuha siya ng advice sa narinig niyang kanta sa radio ng wala na siyang ibang makuhanan ng sagot sa paghihirap niya. At ang kanta sa bar ay ang kantang, I just called to say I love you’ ang kinuhanan niya ng advice. And after doing what the song inspired him though hesitant Mama eventually gave him a second chance. That second chance brought my Kuya and I to the world. Hindi ko maiwasan mapangiti sa love story ng magulang ko.

Second chance…

Dumeretso ako sa counter at naupo. Inabutan ako ng menu list ng bar tender at buti nalang may juice sa listahan at iyon ang inorder ko at isang platter ng fries. Sana hindi ko ma-spoil ang appetite ko sa hapunan namin.

Nagmasid ako sa paligid at wala pang masyadong tao dahil na rin siguro sa maaga pa. Meroon lang dalawang tao doon sa may dulong mesa na nakaupo na mukhang nagkaka-igihan na, dalawang lalake sa may bukanang mesa na umiinom ng beer at isang babaeng may katandaan na nasa tapat ko sa may counter ng bar.

Tahimik nalang akong kumain at uminom habang nag-pe-facebook sa phone ko. Nakadalawang juice na ako at alas-siete palang. Mahaba pa ang paghihintay. Bakit nga ba bumabagal ang oras kapag gusto mong bilisan? Sana man lang may makausap ako dito pampalipas ng oras.

“Martini again please and the bill.”

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na yon. Hindi ako maaring magkamali kung kanino galing ang boses na yon dahil ang boses na yon lang naman ang nagdudulot ng goosebumps sa buong katawan ko.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon