I could be the one

12.5K 222 64
                                    

“Good Morning Margaret!”

“WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!”

I felt his hand to my mouth to muffle my scream and his other hand to my nape. I struggled but he was too strong for me.

“Margaret? Tatanggalin ko ang kamay ko at kapag tinanggal ko ayokong sumigaw ka? Naiintindihan mo ba?!”

I looked into his eyes and he seemed serious. I nodded in agreement.

“Good.”

Tinanggal na niya yun kamay niya sa bibig ko at sa nape ko. Napalingon ako sa paligid. Nasan ako? Hindi ito ang kwarto ko.

Gusto kong maiyak kung sino ang nasa harapan ko ngayon na nakashort lang at walang T-shirt covering his upper torso. He looks absolutely, mouth-watering and appealing but I am not in the mood to think about that.

“D-doc.. A-anong nangyari? Oh my? Hindi ko na po maalala.” I brought my hands to my face. Gaga ka talaga Margaret. Ano bang ininom ko? Ano na namang kagagahan ang ginawa ko dahil sa impluwensya ng alcohol. Naiiyak na ako. Nandito siya sa harapan ko walang damit. At nasa kama ako. Dyosko. Binigay ko na ba ang akin pinakaiingat-ingatan, ang bandila ng isla ko at and puting towel sa boxing ring ko? Wala man lang ako matandaan. At bakit sa kanya pa?

“Bumangon ka na dyan. Alas –diyes na. Baka hinahanap ka na sa inyo.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Napabangon naman ako and I found myself with my clothes still intact. Oh please. Walang nangyari diba? Kaya may damit pa ako ngayon.

What’s that smell? Ako ba yun?

“If you want to take a shower andyan sa right side yun bathroom.”

Napalunok ako. Nope. Magshoshower in his pad? No!!

Naglakad ako sa likod niya habang sinusundan ko siya palabas ng kwarto at di ko matanggal ang tingin sa maganda niyang likod. Ano bang nasa isip ko? Sumasakit na nga ang ulo ko tapos ganito pa.

“H-hindi na po Doc. Kelangan ko na pong umalis. Kung ano pong ginawa kong kagabi na kalokahan na hindi ko po matandaan for the meantime sorry talaga. Yun installment po ng susunod na sorry kapag natandaan ko na.” Haay! Margaret!

Nakita ko yun bag ko sa may coffee table niya at kinuha ko na agad. Andun rin yun phone ko.

Tsk!

“Kanina pa may tumatawag sa phone mo. Hindi ko sinagot. “ napatingin lang ako sa kanya. Andun siya sa may kitchen pouring out coffee sa mug niya.

Tsk! Binasa ko yun text nila sabi di na nila ako hinintay. Nauna na sila. Hay! Excited talaga yun mga yun. Magbabyahe nalang ako. Kakainis naman oh anung petsa na ako makakarating dun.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon