Mr. Angel

11.6K 214 41
                                    

I wore slacks. Dahil sa sinabi ng bastos na doctor na iyan hindi ko na tuloy masuot ang mga paborito kong palda. Ayoko ng mangyaring makitaan niya ulit ako. Hindi na ako makakapayag!


Dumaan sa harap ko ang bastos na doctor. He didn’t even glance my way. Tuloy-tuloy lang siya sa clinic niya. Hinayaan ko muna siya mag-ayos sa clinic niya bago pumunta. After 10 minutes pumasok na ako at gaya ng dati inabot ko na ang unang patient.

Tumingin lang siya sakin from head to foot na para bang may sinusukat. Anu bang problema nito? Lagi nalang niya akong tinitignan na parang may mali sa itsura ko. Nakakainis talaga! Nangalumbaba lang siya sakin tapos nagsmirk. Nakakaloko na to ha!

“D-doc ayan na po yun first patient. Magtatawag na po ba ako?” Ano ba? Pinagpapawisan na ako ng malamig sa titig niya. Bakit ba ganyan yun mata niya? Alam kong maganda ang maga mata niya pero hindi iyon ang dapat kong isipin! Palagay ko sinisiraan na niya ang pagkatao ko sa pagtitig niya.

“Huh?!” sabi pa nito na wala sa sarili.

“Tinanong ko po Doc kung magtatawag na po ako?”

“Ahh…Okay. Thanks.”

Teka, anung nangyari? Parang wala siya sa sarili? At nagthathank you? Anu kayang breakfast nito kung makathank you ngayon.

“Si-sige po Doc." Tumalikod na ako at naglakad papuntang pintuan.

“You look good today. The slacks accentuate your curves and your long legs.” Napahawak ako sa knob ng door dahil parang bibigay yun tuhod ko sa compliment niya. Look good? Curves? Long legs? Whoa?! Totoo ba to?

“Mas bagay sayo yan kesa naman parang kumbento tong clinic kasi sa haba ng skirt mo. Para kang madre.” Napailing na lang ako. He praised me a while ago tapos babawiin ng ganun! Naku! Buti nalang di ako nakapagthank you!

Tumingin nalang ako sa kanya at tumango. Wala talagang magawang maganda ang Doctor na to. Hindi niya ata alam na kung wala siyang masabing maganda sa kapwa ay tumahimik nalang siya at wala pa siyang nasira na araw. Naman! Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Diyos ko! Patagalin niyo po ako ng tatlong linggo pa. Be patient Meg. 

Nagmadali na lang akong lumabas ng pintuan para magtawag.

“A-aray!!” Nagulat na lang ako ng may nakabangga ako paglabas na paglabas ko. Napatingin na lang ako kung saan ako nabangga at namangha ako.

Nasa langit na ba ako? Namatay ba ako sa collision na yun?

“S-sorry! Did it hurt?” hinawakan niya yun shoulders ko para suportahan pa ako. 

“Ah-ahm h-hindi. Okay lang.” Kung pwede lang ako kumain ngayon kakain ako. Kahit unlimited rice. Grabe mata palang ulam na. Ang ganda ng kulay ng mata niya. Baka guardian angel ko siya? Dahil nakita niya kung paano ako maltratuhin ng boss ko at kung gaano ko kagustong magkaboyfriend at ipiprisinta na niya ang sarili para sakin. Baka nga! Baka nga!

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon