PART 55.1 ~ GARDEN

383 20 23
                                    


Happy 2020!

Natapos na ang 2019 at ngayon lang ako nakapagupdate. Hahaha sorry na!

Anyways, let's have a better, healthier, and happier days this year. I hope you guys all the best! Thank you for waiting sa update kahit na it takes a thousand years, I'm just super busy breathing. Lol.

I super miss my girl Syn and my bebe boys here that I need to read this again. :'( And nakakamiss ang watty world. :<

So, enjoy!


.....................................................


Hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng hardin. Napakaraming iba't bang halaman, namumulaklak man o hindi. Halatang inaalagaang mabuti ang hardin na ito. Sa gitna ay may fountain. Sa kabilang dako naman ay may gazebo. May mga pergola at trellis din sa di kalayuan na inaakyat na ng mga gumagapang na halaman.

"This is my mom's favorite place," mahinang sabi ni X. Siguro ay bumabalik sa isipan niya ang mga masasayang alala ng kangyang pamilya. Hindi nakaligtas sa akin ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Hindi ko tuloy magawang alisin ang paningin ko sa kanya kaya pati ako ay napapangiti na lang. Nagmistula siyang batang binigyan ng candy, napakaaliwalas niyang tignan at kay amo ng mukha.

"Ang ganda," sinsero kong sabi habang nakatingin sa kanya.

Napatingin siya sa akin. Nakangiti lang ako. Hindi ko alam kung ilang segundo ring kaming nagkatitigan lang.

Natauhan lang ako nang sumilay ang nanunudyong ngiti niya.

Mabilis kong nilibot ang mga mata sa hardin. "A-ang ganda ng hardin," kombinsi ko sa kanya o sa sarili ko? Tumawa na lang ako upang pagtakpan ang kapal ng mukha ko. Maganda naman talaga ang hardin pero hindi ko alam kung bakit sa hari ako nakatingin. Peste!

Gusto ko tuloy bugbugin ang sarili ko.

"Yeah, it's beautiful," narinig kong sabi niya. Naii-stress man ako sa sarili ay nilingon ko pa rin ang hari.

Putek!

Nag-iwas ako ng tingin. Tama ba ang nakita ko o naduling lang ako? Saglit lang yun pero otso, sa akin siya nakatangin. Malapit na tuloy akong maniwala na maganda ako. Muahahaha!

Pero Synella, hindi ka dapat mag-assume. Mahirap umasa sa isang demon, mamaya pala sa kulisap siya nagagandahan o di kaya sa damong inaapakan ko.

Otso, gusto ko tuloy gumapang pabalik sa mansyon. Kailangan akong mahimasmasan.

Tumikhim ako upang alisin ang barang nasa lalamunan. Hindi ko pinaramdam ang kaba ko. "Tara don, kamahalan," kako sabay turo kung nasaan ang gazebo.

Hindi ko na inantay ang sagot niya at tinahak na ang daan patungo roon. Sa malapitan ay mayroon itong sapa. Hindi iyon gaanong kaluwang at isang tulay ang nagdurugtong mula sa kabilang bahagi. Mukhang dito mo makikilatis na napaglumaan na talaga ang lugar na ito dahil halos takpan na ng lumot ang gilid ng tulay. Sa kabila noon ay tila nagbigay ito ng buhay sa malamig na konkretong daanan. Pinuno ko ng sariwang hangin ang dibdib ko. Ang layo ng lugar na ito sa totoong mundo. Walang polusyon o gulo. Tahimik na namumuhay ang iba't ibang nilalang. Mistulang nag-aawitan ang mga ibon samantalang panay ang bulong ng malamig na hangin. Nakikipagsayawan ang mga puno't halaman habang nagsasaboy ng galak ang mga bulaklak sa parang.

Naks, ang makata ko na ata. Muahahaha!

Nilingon ko ang hari. Nakapamulsa siya habang nagmamasid lang sa akin.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now