PART 27 ~ TATTOO

4.1K 106 35
                                    

Hello guys! *kaway* May nagaantay pa ba nito bukod sa mare ko?xD

Mare this is for you. Para sayo kinaya kong magsulat.*^* Ginapang ko to mare. haha..Nahiya naman ako sa kakatambay mo sa FB ko..XD

enjoy!

.......................

Napalingon ako sa likod ko. Otso talaga bakit pa ako nagtapang-tapangan? Minsan talaga di ako nagiisip. Tapos di ko pa mahagilap 'yung dalawang kasama ko. Nalulong na yata sa picture-picture 'yung mga 'yon. Daig pang namasyal sa ibang bansa.

Napahinto ako nang biglang sumulpot sa harap ko ang isa sa mga lalaki. Bakit ba parang nagsitaguan ang mga tao ngayon at wala man lang naligaw sa kinaroroonan ko?

"Pasensya na Miss, pinatulan mo pa kasi si bossing," nakangisi niyang sabi. Mukha siyang tumira ng katol at vetsin. Tayo-tayo ang buhok niya at namumula ang mga mata. Mukha rin siyang hindi naligo ng isang araw.

Mabilis kong pinagana ang mga mata ko. Kailangan makaisip ng paraan kung gusto ko pang mabuhay. Sa hilatsa ng hitsura nila malamang sa Pasig River ang  bagsak ko nito.

Isip Syn. Isip. Paganahin ang kakarampot na isip. Paano na lang ang pamilya ko? Ni hindi pa ako nakakafirst base kay S. Ni hindi pa ako nakakaganti sa hari ng mga demonyo.

Otso sana gumana 'to.

"Ay kuya, si Angel Locsin oh, naka-two piece! Witwew!" sabi ko habang nakaturo sa likuran niya.

“Tss. Wag mo nga akong utuin. Alam kong niloloko mo lang ako para makatakas ka,” sabi niya sabay ngisi.

Napailing ako nang marahas. “Hala kuya oh, kumakaway sa 'yo. Promise,” nanlalaki ang mga matang sabi ko.

Napatikhim siya at naglikot ang mga mata. Mukhang malapit nang bumigay si kuya. Konting push pa Syn.

“Ay Miss Angel dito po,” kaway ko at nakapaskil ang namamanghang ekspresyon. “Tawag mo si kuyang pogi?”

At doon na bumigay ang lalaki. Wushuu. Takbo na Syn. Sinamantala ko na ang pagkakataon at tumakbo na ako pakaliwa. Hindi ko na alam kung saan ako papunta basta ang mahalaga, importante, esti makaalis ako sa anino ng mga ito.

Nakalayo na ako sa lalaki. Mukhang naghanap nga ng Angel do’n at hindi niya ako hinabol.

Imamasahe ko ang mga paa ko mamaya. Ang laki talaga ng naitutulong ng dalawang paa ko. Pagmayaman na ako ipapa-foot spa ko kayo.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now