PART 36 ~ DEMON'S FOOD

2.4K 107 40
                                    

Hala! hapi hapi one hundred thousand plus reads po sa TBDH…yehey! Magdiwang! *-*

Totoo ba to oh yung tatlong nagbabasa neto ay inulit ulit lang ang pagbabasa..? ._. xDD

T-T Pangarap ko lang non na magkaroon ng sampung tao at hindi alien na magbabasa neto, pero ngaun nag times two times two ect na.. Parang si Naruto lang… T__T I lab it guys…xD

Salamuch~ *waves* *-*)/

And this chapter is dedicated to *drum rolls* my virtual brother but not a virtual anymore, ShainFictions… ._. Ibwisit esti visit niyo po ang kanyang profile and read his work.. Paranormal po ang genre, ANAGRAM ang title.. ._. So please support his useless work.. :3 xDD just kidding bro..you know naman how much I laaaaaaabbb myself…xDD muahahahaha!

Ops fight na! Enjoy! *cartwheel*

………

“Hoy!"

“Ay anak ka ng nanay mo!”

Mga benteng tawa ang narinig ko sa hinayupak na demonyong to. Gulatin ba naman ako.

"Ano ba’ng tinatayo mo d’yan? Nakakairita ka nang daanan ah," natatawa pa ring sabi niya.

"Nagaantay ng bus? Bakit pipila ka?" pilosopo ko sa kanya. Bulag ba siya at hindi nakikita ang dala kong pagkain habang kumakatok sa pintuan ng hari?

"Nakakaselos naman yan. Si X pinagluto mo?" nakangisi sabi  ni D.

Nagbuga ako ng hangin tsaka tumingin ng diretso sa kanya. "Try mo magkasakit, yung cancer, stage 4, magpapafiesta pa ako kung gusto mo."

"Loko kang Dora ka ah. Ibalik kita sa planeta mo eh."

"Bumalik ka muna sa impyerno."

Ginulo niya ang buhok ko tsaka tawa tawang nagsalita. "Yan mas bagay sayo."

Pinilit kong layuan ang demonyo. Mukha na nga akong ewan dadagdagan pa niya. Ang hirap kayang magmukhang tao.

Hindi ko napaghandaan ang paglapit niya at pagbulong niya sa akin. Nanlaki na lang mga mata ko sa narinig. Naramdaman ko ang pagkapal ng mukha ko sa sinabi niya. Mabuti na lang at mahigpit ang hawak ko sa tray. At parang ang sarap ihambalos sa mukha niya to eh.

"Aww you look cute when you're blushing miss," nakangisi niyang sabi sabay pisil sa pisngi ko.

Sinipa ko siya sa binti. "Tigil-tigilan mo nga akong demonyo ka. Lumayas ka!" naiinis kong sabi. Hindi pa rin mawala ang pamumula ng mukha ko. Kung anu-ano kasing pinagsasabi. Tsaka dapat kinikilabutan ako. Asar naman eh.

Natigil lang kami sa bangayan namin nang may tumikhim. Napalingon kami pareho sa direksyon nito. Lalo yatang nadagdagan ang pamumula ko na dinagdagan pa ng malalakas na tibok ng puso ko. Nagiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin. Jusko ko! Mahabaging poon ng bayabas, may sakit na yata ako sa puso.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now