PART 24 ~ PATAY MOMENTS

4.5K 114 34
                                    

hellowee! gumala ako kahapon kaya di po ako napagUD..salamat po sa inyong lahat! eehh..kinikilig ako..XD

enjoy^^

....................

"Alis." Matalim ang tinging pinukol sa akin ni X. Kung nakakahiwa lang iyon malamang  kanina pa ako bulagta. 

Napanguso ako. Sus maryosep! Napanguso tuloy ako. Tsk. Kinukulit ko pa rin ang X na 'to. Mabuti nga at humihinga pa ako at hindi pa niya naiisipang wakasan ang buhay ko. 'Andito kami sa kusina at abala siya sa pagluluto. Ang cute niyang tignan sa apron niya. Parang ang bait-bait niyang nilalang. Kung hindi lang siya magmumura ay pwede na siyang maging angel.

Nasuya ako bigla sa naisip. Hindi bagay. Erase. Erase. Erase.

  

"Tulungan na kitang magluto lord X. Adobong bul--

Tinapalan niya ang bibig ko ng towel na pinangpunas niya ng kamay.

  

Pwe! Bastos na Samurai X na 'to. Para clear lang tayo, di hamak namang mas gwapo si Kenshin Himura ng Samurai X kaysa sa demon na 'to. Do’n ko lang nakabit ang pesteng pangalan niya kasi kamukha niya 'yong samurai. Tama! At isa pa may pilat talaga siyang ekis sa ibaba ng tainga niya. Hindi lang pansinin dahil hindi naman malaki, saka hindi masyadong expose dahil sa buhok niyang magulo, mas magulo pa yata sa buhay ko.

"One more word and I'll twist that mouth," sabi niya na ni-lazer beam na naman ako.

Pinagalaw ko ang mga daliri ko na parang sa mga ninja.

"What are you doing?" kunot-noo niyang tanong.

Huh! Takot niya lang.

"Gumagawa ako ng shield," seryoso kong sabi at pinagpatuloy ang ginagawa.

 "Leave," nagpipigil ng inis niyang sabi, tinuro pa niya ang pintuan.

 “Wait lang lord, hindi pa ako tapo—

Nang akmang ibabato niya sa akin ang hawak na sandok ay tumakbo na ako. Asar na ang demonyo, eh. Baka isahog ako pa sa niluluto niya.

Maliban sa pare-parehas nilang pangtri-trip sa akin ay pare-parehas din sila ng hilig­­­—ang pagluluto. May schedule sila sa pagluluto at masasabi kong magagaling sila. Pwede na silang maki-jamming kay Chef  Boy Logro. Kitang-kita rin na nag-e-enjoy sila sa pagluluto lalo na 'tong si XXX. Ayan para tunog X-rated.

  

Alas dose palang nang tanghali at talagang kina-career ng ulan ang pagbuhos.Madilim pa rin sa labas, kasing dilim ng aura ng kasama ko ngayon. Busy pa yata ang mga kampon ng hari sa paghahasik ng lagim dahil hindi pa sila umuuwi. Juice ko po! baka dumami ang mga 'yon pagnaulanan.  

Napabuntong hininga ako. Asan kaya si S? Nakakatamad talaga 'pag hindi nakikita ang crush. Walang vitamins. Umikot-ikot ako habang naka-dipa. Pinahiram ako ng damit ni X. Ewan ko kung saang cabinet niya pinaghuhugot 'tong maluwang na long sleeves at maluwang na cotton pants.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon