PART 7.2 ~ GISING

4.6K 100 17
                                    

Bago kasi ako mahulog ay nakakapit ako sa kanya. Kaya ngayon parehas kaming bulagta at hindi maganda ang posisyon. Nasubsob ako sa may puson ni X na parang nakahalik. Ang dalawa kong kamay ay nasa may t'yan n'ya, sa may bato-bato. Otso napapaso ako. 

Teka may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Parang may....

"Get off," bulyaw n'ya sa akin.

Sa gulat ko ay napatayo ako.

"Bro kinikikilig ako,"sabi ni F.

"Saludo na talaga ako kay X kahit si Dora walang kawala," si D.

"Shut up," sabay na sabi ni X at ni L?

Tumayo na si X at tinungo ang pinto. Huminto s'ya sa harap nila. Hindi ko alam kong anong itsura n'ya pero huhulaan kong masama dahil ramdam ko ang itim n'yang aura. Nakita ko pa ang pagngisi ng iba bago pabalibag na sinara ni X ang pinto.

Napaupo ako sa kama. Nanlalambot ang tuhod ko. Napahawak ako sa sarili. Magdradrama na sana ako nang mapansin ko ang damit ko. Bakit iba 'to?

"Sinong....."

Waaaahhhh...eh puro sila lalaki ah.

.............

Nakatingin silang lahat sa akin. Feeling ko isa akong suspect sa isang karumal-dumal na krimen sa mga tingin nila. Dalawang oras yata silang nagdeliberasyon kung ano ang magiging kapalaran ko.

Masama pa rin ang pakiramdam ko. Ginala ko ang paningin, ito 'yong place na pinagdalhan sa akin no'n. Conference room pala ng Black Demons 'to. Nakaseparate ang silid na 'to sa bahay.

Nagsalita na si Q. " Ms. Garcia..um..Your first name?"

" Sy...sy...achhoooo!"

" Gross..." sabi ni U.

Nagpeace-sign naman ako. " Synella Ree..."

"Hindi kami interesado sa buong pangalan mo," putol ni M.

Ngumiti si Q. " Miss Synella..."

"Syn na lang ," sabi ko habang pinupunasan ng panyo ang ilong ko. Sinisipon na rin ako. "Excuse me ha," sabi ko sabay singa. 

"Babae ba talaga 'yan..mas may breeding pa ang mga alaga ko. Tsk," nagdududang sabi ni H.

"Let's ask X about that," nakangising sabi ni A.

Bumaling silang lahat sa direksyon ni X.

"Ano X babae ba?" nakakalokong tanong naman ni C.

"Waahhhhh...." palahaw ko. Anak ng tinapa...s'ya ba ang nagbihis sa akin?

Niyakap ko ang sarili ko. Kahit na maluwang ang mga suot ko feeling ko nakikitaan pa rin ako. Pinagsamantalahan talaga ako ng demonyong 'to. Pano na ang puri ko?

"Stop making noise rugdoll. It's your fault. Maligo ba naman sa ulan."

"Uwaaahhhh..."

"Aarrgg..I turned off the lights. Do you think I want to see that disgusting body," naiinis niyang sabi.

Arraaay naman. Peste namang disgusting 'yan. Sabihin man n'yang pinatay ang ilaw eh hinawakan pa rin n'ya ako. TT____TT

"Uwaaahhh"

"Rug doll I didn't change your undies...."

Napatigil ako. Nagpipigil naman sa tawa ang mga hinayupak na demons.

Kakahiya na 'to masyado. Kainin mo na akong upuan ka.

"X is right" sabi ni L. "Disgusting. Mabuti pang mabulag na lang kung 'yan lang din ang babaing huhubaran ko," walang-gana n'yang sabi.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now