PART 28 ~ SWIMMING

4.1K 102 45
                                    

Hi guys…sa wakas may nakalkal rin aq sa isip q..nahiya naman po aq sa inyo..endi q na masyadong naayos...#medyobadtripXD

Anyways dedicated this part to all of you na walang sawang naghihintay sa kahihinatnan na ni bebe Syn!

Enjoy reading! ^___^

  

……………

 “Girl look at me. Gorgeous?"

"Yes sis! How 'bout me? Bagay ba 'tong red sa 'kin? Feeling ko ang manang ko pa rin."

Napataas ang dalawang kilay ko sa narinig sabay nguso. Kanina pa nagkakagulo dito sa loob ng shower room. Swimming class namin at ngayon  ko lang nakitang ganito kaaligaga ang mga estudyante ngayon, lalo na sa mga babae. Hindi sila ganito ka-excited dahil mainit sa pool area. Open kasi 'yon. Pero ngayon kulang na lang gawin nilang Bora ang lugar. Juice Mio Narimar! Mahabaging Valeria! Beach party yata ang pupuntahan ng mga ito. Otso lang.

Napapailing na lumabas na lang ako. Basta ako komportable sa suot ko. Wala na akong paki sa kanila at wala din naman silang paki sa akin. Napahinto ako nang may tumawag sa akin mula sa likuran ko. Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na walang pakundungan kung isigaw ang pangalan ko. Nakita ko si coach na bakas ang kaligayahan sa mukha. Daig pa niya ang nanalo sa karera ng mga kabayo.

Hindi ko nagawang ibuka ang bibig ko kahit nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyugyog ako.

"Synella ang araw na ito ang simula ng lahat," masayang masayang sabi niya habang hinihilo ako ni coach. "Bwahahahahaha!" malakas pa niyang tawa na parang isang kontrabida.

"COACH!" malakas kong sigaw sa mukha niya. Alam kong natalsikan siya ng laway ko pero wala siya sa sarili at panay lang ang tawa at pagyugyog sa akin.

Pasalamat siya at may kaunti pang galang na natitira sa katawan ko para sa kanya. Nakakalagas din to ng buhok minsan eh.

Tumigil siya sa pagyugyog sa akin at tiningnan ako sa mga mata. Nagniningning ang mga mata nito habang nakikipagtitigan sa akin.

"Do your best," sabi niya. Walang paalam siyang umalis habang tumatawa. Mukha na siyang baliw sa ginagawa niya. Madalas talagang may sapi yang si coach pero iba ngayon. Mukhang suminghot siya ng dalawang kahon ng katol.

Naglakad na ako papunta sa pool pero napatigil ulit ako. Napalingon ako sa likuran ko nang parang bagyong dumaan ang mga kaklaseng kong babae na naghahagikgikan. Parang hindi nila ako nakita sa hallway kaya naman napayakap na lang ako sa pader.

Mga taong to, parang walang pinag-aralan, ngitngit kong sabi sa sarili. Lukot ang mukha kong nakatingin sa grupo nila. Sa isip ko na lang sila nagagantihan. Susunod na sana ako nang maalala ko ang attendance sheet kaya dali-dali akong nagtungo sa locker room kung saan ko naiwan o kung doon ko nga iniwan.

Kung bakit ako pa ang pinili ng baliw naming coach. =__=

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon