PART 2.2~ WANTED

5.2K 108 7
                                    

"Bro, leave that nerd. She's not here," sabi nang isang lalaking kasama niya.

Magaling. Tiki-tiki siguro ang vitamins niya noong bata pa siya. Tama yan yakagin mo na 'tong kapanampalataya mo at sa iba kayo maghasik ng lagim.

"Sh*t..Nag-aaral kaya talaga ang weirdong 'yon dito? Nahalughog na natin lahat but still..."

Weirdo pala ha..pwes wala kayong mahahanap. Manigas kayong lahat. Muahahaha....

"I know she's hiding somewhere," putol ni X kay L na hindi pa rin pinuputol ang "malagkit" na tinginan namin sa isa't isa.

"Baka naman tama si A. She doesn't look like a girl in my eyes too," sabi nang isang mukhang angel dahil sa curly hair niya.

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. lechugas.. Mukha ba akong lalaki, bakla? Ang sakit naman no'n. Ibig sabihin niloloko lang ako ng nanay ko nang sabihin niyang babae ako?

Grrrrr...

Pasensyahan na lang. Hindi nila ako mahuhuli.

Hindi naman nila ako mamumukhaan kasi iba ang anyo ko pagestudyante ako. Ang maiksi kong buhok na hindi umaabot sa balikat ay hinati ko sa dalawa at nakaipit. Nakafull bangs kaya natatakpan ang buong noo ko at may salaming malaki. Makikilala pa ba ako nito? Oh, di ako na ang nerd.

Buhay nga naman oh. Proteksyon ko 'to sa sarili ko mula sa pang-bu-bully ng mga tao rito. Para kapag nakita nila akong nagwawalis d'yan sa tabi-tabi ay hindi nila iisipin na isa akong estudyante.

Iniwas na ni X ang tingin sa akin. "Let's go," ma-awtoridad niyang sabi. Parang ang hirap baliin ang bawat salita niya.

"Bye A " malanding sabi ni Ellen na nakipagtukaan lang naman sa harap naming lahat sa lalaking mukhang babae.

Nang makaalis na sila ay biglang naghiyawan ang klase. Ako naman sapo lang ang puso. Nanay ko po. Bilis nang ratsada. Kakatakot kasi 'yong X na 'yon.

Hindi ko namalayan na lumapit ang ilan kong klaklase. "Hoy nerd na bobo," tawag sakin ni Pam. " Wag kang mag-ilusyon dahil nilapitan ka ni X. Nakita mo ba 'yong mukha niya? He looked disgusted because of that face," turo pa niya sa mukha ko.

"Right," chorus ng mga alipores niya.

Hindi na lang ako umimik. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong gumawa ng kahit anong bagay. Kung pwede nga lang maging statue ginawa ko na.

"Girls, leave her to me," maarteng sabi ni Ellen. Binuhos niya ang juice drink na hawak sa ulo ko.

Lechugas...... 

"Serves you right nerd!" nakangisi niyang sabi sabay bato ng bote ng juice na binuhos sa akin. Nagtawanan ang buong klase.

Aray....Otso sayang naman 'tong juice na to. Mukhang mamahalin pa man din. Ang sarap pa naman ng lasa with real pulp. 

" Class stop that," si Prof. Mukha rin siyang helpless. Kahit alam kong gusto niya akong tulungan ay wala siyang magawa. Nauunawaan ko naman ang kalagayan niya. Pumikit na lang ako at bumilang nang hanggang tatlo sabay buga ng hangin at presto kinaya ko ang pang-aapi nila.

.............................

Hay, sarap ng feelings. Gusto kong tumawa nang pagkalakas-lakas pero hindi pa pwede dahil nasa school premises pa ako.Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari 'yong habulan.

Muahahaha.. Hindi pa nila ako nahahanap. Serves them right. Nagasgasan ko ang ego ng mga demonyong 'yon. Mabuti na lang hindi ako pinagkanulo ni kuya Jes. Alam na kasi niya ang mangyayari sa akin pagnahuli ako. Ang pinagtataka ko lang hindi pa balita sa school ang nangyari? Ano kayang balak ng mga 'yon?

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now