Part 45.1

1.5K 69 19
                                    

A very short update. Can't sleep so I decided to write this. Pasensya na sa update masabaw siya. Lol.

Enjoy!

.......



Tumalim ang mga mata kong liningon ang hari na nakapikit na at mukhang papunta na sa himlayan niya. Pinapakwento niya ako nang kung anu-ano para lang tulugan. Mula sa Ang langgam at Tipaklong hanggang sa Shingeki No Kyoujin ay naikwento ko na. Sisimulan ko sana sa paglalakbay ni Dora nang bigla niya akong binato nang masamang tingin.

Lumambot ang ekspresyon ko nang makita ko ang salitang stress sa mukha niya. Mukha siyang pagod pero hindi pa rin nabawasan ang taglay niyang kakisigan.

Inuntog ko ang ulo ko sa shelf na gawa sa kahoy. Mga tatlong katok pa sa noo bago ko namalayang nasasaktan na ako. Otso, pati ba naman mga walang buhay magaling manakit! Hugot ko.

Bigla akong di mapakali. Napapa-otso na lang ako sa utak ko. Panay ang silip ko sa mukha niya sabay takip ng mukha ko. Para akong baliw sa ginagawa ako. Nagtatalo ang mala-dyosa kong kalooban kung gagayahin ko ba ang mga napapanood kong koreanobela na hawakan ang hugis ng mukha niya, mula sa noo patungo sa ilong at hanggang sa kanyang labi. Kaya lang kasi baka maputulan akong daliri nito. >_> Sadista tong demonyong to eh.

Napayakap na lang ako sa tuhod ko sabay lingon sa payapang pagtulog niya. Nakorner niya ako kanina kaya hindi na ako nakatakbo. Demonyo talaga siya, alam na alam niya ang plano kong pag-iwas, pero syempre hindi ako umamin. Wala naman din kasi akong maidadahilan.

Wala sa sariling naitaas ko ang aking daliri. Dahan-dahan kong nilapit sa mukha niya ang hintuturo ko. Gusto ko talagang damhin ang kahit linya lang ng mukha niya. Napakalapit niya sa akin, pero napakalayo at malabong mahawakan ko ang mukha niya paggising siya dahil malamang sasabihin na naman niyang may pagnanasa ako sa kanya. -__-

Eh bakit ko nga ba gustong gawin to?

Dug. Dug.

Tanging tibok lang ng puso ko ang sumagot sa tanong ko.

Ilang sentimetro na lang ang agwat, iyong tipong isang lamok na lang ang makararaan sa pagitan ng mukha niya at daliri ko nang magmulat ito. Para akong naturukan ng pamparalisa. Otso, abort mission. Kaya lang di ako makagalaw. T_T

"What are you doing?" seryoso niyang sabi. Iyong tingin niya ay parang alam niyang may gagawin kang kalapastanganan sa kanya.

Nilunok ko ang malapot kong laway. Kailangang makaisip ako ng magandang alibi.

"Ahhh...nag-nagbibilang?" ._.

Gusto kong kutusan ang sarili ko. -___- Bakit patanong?

"I-isa, d-dalawa, tatlo, apat, lima," suporta ko sa sinabi ko. Isa-isa ko ring binuka ang mga daliri ko at kunwari ay nagbibilang habang nilalayo ang kamay sa kanya at baka pagbalik eh palad na lang ang matira.

Hindi ko pa man nailalayo ang kamay ko ay bigla niya itong hinuli. Jusko po ito na nga ba ang sinasabi ko. T^T

"I....like the idea."

"Ha?" kako.

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at kinabig ako palapit sa kanya.

"I want to sleep beside you."

Ang hina nang pagkakasabi niya pero para akong nabingi. Pati pagkurap ay hindi ko na nagawa. Naramdaman ko na lang ang ulo niya na dumantay sa balikat ko habang gagap pa rin ang kamay ko.

"Sing for me," aniya. Walang halong tonong demon ang salita niya. Ano kayang sumapi sa hari na to? Jusko naman may balak yata siyang gibain ang sitema ko. Konting-konti na lang at talagang makakalimutan ko na ring huminga.

"Ummmm..." tanging naisagot ko.

"Rug doll..."

"Hmmm?"

"Don't run away from me. Mapapagod ka lang."

"O-okay."

"Don't show your stupidity on others...."

Inalis ko ang balikat ko sa kanya. Lechugas na demonyong to. -__-

"Hindi ako istupido," asar kong sabi. Demonyo talaga.

"Tss. You are."

"Eh ikaw demonyo." -__-

"Stupid."

"Tse." -___-

Inagaw ko ang kamay ko sa kanya. May nalalaman pang hawak-hawak kamay tapos tatawagin kang stupid. Lechugas na demonyo.

Tatayo na sana ako nang pinigilan niya ako at kinabig ulit palapit sa kanya.

"Ene be," pabebe kong sabi. Langya pabebe na ko. XD

"Don't show how stupid you are. Your stupidity is only mine," sabi niya at sumandal ulit sa balikat ko.

Hindi ko alam kong papalakpak ba ang tainga ko o uusok ang ilong ko sa sinabi niya. Oh baka naman tanga lang talaga ako at hindi ko maarok ang gusto niyang sabihin?

"Ewan ko sayo. Demonyo ka talaga," sagot ko na lang. Pero otso lang ang bilis makatakbo ng puso ko. Kanina lang nakikipag-hide and seek ako sa kanya tapos ngayon naman ni hangin yata ay wala nang madaanan sa sobrang close namin.

"Rug doll..."

"Po?"sabi ko na bigla yatang bumait ang tono ko.

"One more thing," sabi niya sabay titig sa akin. Ang lapit nang mukha niya sa mukha ko. Feeling ko nga maduduling na ako.

"A-ano?" nauutal kong sabi. Otso, bat ang gwapo ng lalaking to. T^T

"Your breath...."

"Ha?" napanganga ko pang sabi.

Bigla niyang sininghot ang hanging nasa pagitan namin.

"May amoy na hininga mo."

-____-

Lechugas na demonyo!

"Tseeeeeee!" kako sabay tulak sa kanya.

Tawa lang ang sagot niya sa akin habang inaamoy ko ang sarili kong hininga. Lechugas na demonyo wala namang amoy eh. T^T

Inasar niya ako nang inasar. Para siyang bata na nang-aasar. Ibang-iba sa demon na makaksalubong mo sa corridor. Palihim akong napangiti. Bihira ko lang makita ang hari ng mga demons na ganito.

Nawala na nang tuluyan sa isip ko ang plano ko. Bahala na si batman.


...................>>>>>>>>>>>>>


shan~

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now