PART 25 ~ WEIRD MOMENTS

4.2K 96 26
                                    

at last natapos din. inuna kc ang chika minute eh..natangahan ko pa at nalagay ang UD na 'to sa ibang story q..muahahahaXD

eto na ang request mo..sana binabasa mo pa rin..haha..you rock!

enjoy!^^

..........

Huh? Napakamot ako sa baba. Nagpalinga-linga ako. Wala naman akong makitang kakaiba. Pinagpatuloy ko na ang alay-lakad ko. Mga fifteen-twenty minutes ang lalakarin ko bago ako makarating sa EU. As usual maaga na naman akong pumasok para gampanan ang pagiging janitress ko. Dapat talaga magpursige akong mag-aral para hindi lang ganito ang kabagsakan ko.

  

Napatigil ulit ako, 'tapos lumingin-lingon. Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaiba. Malakas pa naman ang vibration ko sa madidilim na aura. Napakamot na lang ulit ako sa baba. Feeling ko lang siguro 'to kasi lagi akong may kasamang demons. Siyempre laging exempted si S. 

Otso naman, kinikilig ang bagang ko kapag naalala ko talaga siya. An’ladi lungs! 

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Tatlong steps pa lang ang nahahakbang ko nang mabilis akong lumingon sa likuran ko. Iba talaga ang pakiramdam ko, may sumusunod sa akin at isang daang porsyento akong sigurado. Nahuli ko naman ang nakabuntot sa akin. Mabilis siyang nagtago sa poste. Hindi niya alam kung papaano niya itatago ang sarili. Napasipsip ako sa lollipop ko at lumapit sa sumusunod sa akin.

Otso, may pagkatanga pa yata 'tong sumusunod sa akin. Paano kaya siya kakasya sa poste sa laki niyang iyon. Kulay brown siya at nakikita ko ang suot niyang damit na kulay blue. Saang planeta siya galing? Ini-invade na ba ng mga alien ang mundo?

Pumorma ako nang pang-ninja nang tuluyan ko na siyang malapitan. Baka may balak siyang i-abduct ako.

Napatakip naman ng mukha ang higanteng kulay brown at naka-jumper ng kulay blue.

  

Bear brand?

  

"Choko na gatas?" salubong ang kilay kong tanong habang nakaporma. Ang alam ko binata na si bearbrand ah, nagbago na ng outfit.

Mabilis siyang nangalkal sa bulsa ng jumper niya at nilabas ang isang placard. "Gatas na choko" ang nakalagay.

Napaatras ako. May pagka-Doraemon yata 'tong  mascot na 'to. Tama isa siyang mascot at hindi isang alien. Naligaw kaya siya sa shooting o venue nila?

Binaba ko na ang mga kamay ko. "Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko sa kanya. 

Pinilig niya ang malaking ulo at sinabay pa ang dalawang kamay para iparating sa akin na hindi niya ako sinusundan.

  

Eh kung silaban ko kaya siya ng buhay. Obvious naman kaya ang ginawa niya.

  

Ano kaya ang trip ng mascot na 'to? At sino ang nasa loob? Hmm…

Pinagana ko ang radar ko. Hindi siya amoy demons. Hindi kaya…                  

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now