Part 42.1 ~ The Date

2.1K 95 10
                                    

Pinunasan ko ang pawis na tumatagaktak sa noo ko. Maga-alas singko  na ng hapon pero mainit pa rin. Dinala kami ng mga demons sa isang park, na ideya ng nagmamagaling na si C. Halos isang oras nilang pinag-isipan kung saan kami pupunta. Hindi naman sumasawsaw ang hari sa mga ideya ng mga ito. Tss.  Wala sigurong maisip kaya sinama ang mga kampon. Pero lechugas sila, sabihin ba namang baka pagsamantalahan ko ang Samurai X na 'yan kaya mas mabuti raw na sumama sila. Otso, ni halos ayokong langhapin ang hangin pagkatabi ko siya. Hindi masikmura ng utak ko na parehas lang kami ng hanging nilalanghap. Ang masama pa niyan ay parehas sila ng dahilan ng mga kaibigan ko kaya sila sasama.

Ako ang biktima rito. Ba't kriminal ang labas ko sa kanila? -__-

"Thanks Dora," kindat sa akin ni D nang maibigay ko ang tubig na pinabili sa akin. Lechugas sila (kasama na ang mga taksil kong mga kaibigan -__- ) ginawa pa akong alalay ng mga ito.

Sa ngayon ay busy sila sa paghahanda ng saranggolang ipapalipad nila. Natuwa ako nang malaman iyon. Bago kami dumeretso sa lugar na ito ay kung saan saan pa kami naghanap ng mabibilhan ng gawa ng saranggola, na sa kasamaaang palad ay wala kaming nabili kaya nag-suggest akong gumawa na lang kami. Madali lang namang gumawa ng saronggola at ayoko nang idetalye dahil tinatamad ako.

Ilang taon na ba akong hindi nakakapagpalipad?

Simula nang tumapak ako sa kapatagan ay hindi na ako nakapagpalipad. Ang sarap kaya ng feeling pagnagpapalipad ng saranggola.

Pero mga lechugas ulit sila (kasama  pa rin ang mga hibang kong kaibigan) para silang nakasinghot ng sampung katol. Halos nakalimutan na nilang date ko to! DAAAATEEE KOOOO!

Naalala ko na naman kung pa'no nila ako i-corner kanina. Kulang na lang ay igapos ako ng mga demonyita. Isa daw akong sinungaling at taksil na kaibigan. Paano ko daw sila nagawang linlangin? Hindi naman daw pala mga demonyo ang kasalamuha ko kundi mga anghel. Muntik akong magbasag ng itlog sa harapan nila sa narinig. Bigla ko lang naalala na nagmahal na ang itlog at wala kaming stock nito. -__-

Kahit si Valeria na halos maging mananabas na sa tuwing naririnig ang dinaranas ko sa kamay ng mga demons ay nagbago ang pananaw sa buhay. Ang bebe kong si Nari naman ay nag-walling pa at hindi ako kinausap ng mga sampung minuto at tatlumpong segundo para iparamdam ang hinanakit niya sa akin. -__- Bakit ko daw sinisiraan ang mga Black Cats?  Iyon  pagkakatanda niya sa grupo. Naribang talaga.  

At si Carol naman ay panay ang tanong sa akin kung okay ba ang damit niya, ang sapatos niya, ang make up niya, pati hininga at patay na buhok at kulay ng kuko niya. Pagkatapos ay sinamahan niya si Nari-bang sa pagwo-walling at nagdrama kung bakit hindi niya nadala ang 6 inches niyang killer hills, ang mas magandang klaseng make up at mas maiksi pa sa panty niyang damit.

-___-

Otso, dumagdag lang sila sa sakit ng ulo ko. Ano ba'ang nakita nila sa mga demonyo eh, sa dating palang ay masasabi mo ng walang gagawing maganda ang mga ito. Hindi ko mawari kung bakit nila nasabing mukhang mga anghel ang mga demons. -__-

Ay naku, ang sarap iwanan ang planetang Earth at sumama na lang sa planeta nila Picollo o kaya sa planeta ni Matteo Do. T^T

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now