PART 23 ~ DEMON'S LAUGH

4.1K 109 30
                                    

hehe ^^..napapangiti ako habang sinusulat to..ewan basta napapangiti ako..ahihihi..

ayan nanalo ang Miami Heat kaya nabuhayan ako ng loob. at sana manalo sila bukas!!!!! XDD

dedicated to her na talagang nagiingay sa comment box..weehhh!!! ang sigla niyang magcomment, bias nia raw ang EXO..haha..^^

oh eto na...enjoy^^

.......................

"Ah..um..meryenda ka Lord X?"

 Liningon niya ako. "Busog pa ako."

 Tumango ako. Ang hirap naman kasing sabihing ‘aalis na ako kamahalan’.

 "Ahh… mag-maglilinis muna ako sa loob lord X."

 "Tapos ka na 'di ba?"

 Napakurap ako at napalunok. "Ah, 'yong tanim ni mamang hardinero kailangan kong..."

 "Hindi gano’n kapabaya si I para iwanang hindi nadiligan ang mga halaman niya."

Napa-angat ang dalawang kilay ko. Aba nagtatagalog ang loko. Nagising din siguro na nasa Pilipinas siya at wala sa kabilang panig ng mundo.

Kinalampag niya ang upuan sa tabi niya. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Natutuliro kasi ako sa lalaking 'to.

 "Sit," utos niya na nakatingin kay Karu.

 Umupo naman si Karu. "Wow! Ang galing ni Karu," mangha kong sabi. Ang talino ng asong 'to. Daling kausap.

 "Hindi siya. Ikaw."

 "A-ako?"  turo ko pa sa sarili ko. Ano ako aso?  Iba talaga  'tong trip ng taong 'to.  Umupo na  nga ako para wala siyang masabi.

Ahem..ang tahimik ah. Dapat pala nagdala ako ng kandila nang may natirik ako sa harapan namin. Ipagpre-pray ko 'tong katabi ko na sana ay hindi siya saniban.

Nagulat  ako nang bigla siyang nagsalita. Inutusan niya akong iugoy si Cherry the monkey the lost and then found. Ako ang inaantok sa ginagawa kong pagduyan, parang gusto ko nang humilata, mag-inat, at mag day dream…

"How old are you?"

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now