PART 5 ~ ISA

4.9K 122 8
                                    

dedicated to all silent readers... 

meron nga ba? hehehe... 

enjoy*wink*

....................

Hindi kooooo na kaaaayaaaaaaaa!!!!! "

"Yahhhh!"'nagdadabog kong sabi. Nabunot ko tuloy ang tanim sa paso. Patay!

"The f*ck. Stupid. What did you do to my plant?" sabi ni I na mukhang sinaniban. Parang gusto niyang pilipitin ang leeg ko.

"Ahehe, papalitan ko 'yong pagkakatanim niya. Tabingi eh," palusot ko.

Lalo lang tumalim ang tingin niya sa akin.

"Give me that," aniya.

Mahilig pala 'tong emo na 'to sa paghahalaman. At siya lang mismo ang gumawa ng landscape ng bahay. Galing. Kaya lang kakatakot siya lalo pa't umagang-umaga eh naka-eyeliner na.

Pinanood ko siya sa ginagawa niya. "Magaling ka ngang mag-alaga. Alam mo si papa mahilig din sa halam..."

"I'm not asking."

Parang may lumabas na ugat sa sentido ko sa narinig. Kalma lang Syn.

Tinignan ko ang paligid. "Alam mo lalong gaganda 'to kung may airial o hanging plants," sabi kong hinihimas ang baba ko. Napatingin ako sa kunot-noong mukha niya. "Ahh, hehe, suggestion lang. Alam ko naman ayaw mo," nakangiwi kong sabi.  

"Sige Lord I pasok lang ako sa loob," sabi ko at dahan-dahang naglakad.

"Cactus."

Hmmm.. Ako ba ang tinatawag ng kumag?

"Hoy babaing cactus."

Ako nga. Kung ano-ano na lang ang inuugnay sa kin. Mga baliw talaga. Pumihit ako saka ngumiti ng pilit.

"Yes Lord I," malambing ko pang sabi na sa katotohonan ay nagngingitngit ako.

"Ayoko sa babaing pakialamera." Panis ang iceberg sa kalamigan ng boses niya.

"Naku wag kang mag-alala hindi ako pakialamera," minotion ko pa ang dalawang kamay ko sa harap niya.

"At sa palasagot," aniyang masama ang tingin sa akin.

"Ahehe..." maka-alis na nga ang sama ng tingin ng emo na 'to. Baka ako pa ang itanim sa paso. " Uurin ka sana," bulong ko.

"What?"

"Naku wala po lord I. Promise! mamatay man lahat ng halaman mo."

"You....annoying cactus....."

Waah.. bilis..Takbo....

Baka ilibing niya ako ng buhay. Hoo!

..........................

"Aaaahh....behave ka ngang Karu ka."

Next in line ay ang pagpapaligo sa Shih Tzu ni lord K. Tong sang 'to kalahi ni kuya Kim. Andito kami sa mini zoo niya. Otso kompleto talaga 'tong bahay na 'to.

"Baby c'mon."

Napatingin ako kay H. Otso...laking sawa. Waaahhhh.. Katakot. Binalik ko ang tingin kay Karu. Please lang wag niyang mapahawak-hawak sa 'kin yon at talagang babalian ko ng buto lahat ng mamalia niya.

"Good girl. Baby you have to meet your new yaya," kausap niya sa alagang sawa.

Juice ko! Ako ba ang tinutukoy ng taong 'to. Malahayop sa trip.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now