PART 19 ~ DEMON'S PARTY

4.7K 99 41
                                    

weehh..sorry po kung ngayon lang nakapagUD. nag-try naman po ako kaya lang minalas..di q nasave ang inedit q..wahahaha..

dedicated to you kasi inaabangan mo talaga to..tnx..nakakabuhay ka ng dugo..haha

rewind pa rin po ang scene...wag po kayong mahihilong kagaya q..XD

enjoy *wink*

........................

"Itagay na mo na 'yan," mala-demonyong sabi ni Sigma sa isang basong lambanog.

Napapikit na lang si C nang tinungga ang alak. Binayo niya ang lamesa nang masaid ang laman ng inumin. Napahawak siya sa bibig at nagtatangkang sumuka.

"Wag mong sayangin 'yan. Galing pa sa hacienda 'yan," nakangising banta ni Sigma.

Nilunok niya ang nagtatangkang lalamabas mula sa lalamunan niya. Mukha nang nahilong talong si C kaya sumubsob na lang siya sa mesa.

Pinagpapawisan na silang lahat. Ang hirap talagang kasama ang isang baliw. Isang baso bawat tagay ang gusto ni Sigma at kapag bumigay ka kaagad ihanda mo na ang katawan mo sa pambubugbog niya.

"Hoy C ayos ka pa?" malakas na tanong ni Sigma. Bale siya lang talaga ang nag-eenjoy sa session nila.

Tinaas ni C ang kamay at nag-thumbs up kahit nakayukyok sa mesa.

"Brrr..ka-kaya fha," sabi ni C at pulang-pula na ang mukha. "Taghay fha..shhh.."

"Yan..wala pa tayo sa kalahati kaya tibayan mo 'yang dibdib mo bro," nasisiyahang sabi ni Sigma. " Oh, kaw na X."

Inabot ni Sigma ang baso kay X na tahimik naman na kinuha ng huli. Inisang lagok din niya iyon at wala man lang nagbago sa reaksyon ni X. Malalim kasi ang iniisip niya at walang paki-alam sa maingay na paligid.

"Tignan mo nga naman ‘tong kaibigan ko. Ang lalim ng iniisip," nakangising sabi ni Sigma. Nakipagpalit siya ng upuan kay D para asarin lang si X.

"Not now Sigma," tinatamad na sagot ni X.

"Hindi na tuloy ako makapaghintay na makita ang laruan mo," hindi pa rin maalis sa mukha ni Sigma ang pagkakangisi.

"Tss..napaka-tsismoso mo talaga," naiinis na sabi ni X. “Hindi s'ya ang inaalala ko."

Nagkibit-balikit si Sigma. "Sabi mo eh." Humarap i’ya sa dereksyon ni S na nasa kabilang panig ng mesa. "Isa pang malalim ang iniisip."

Lumingon si S kay Sigma. Kinuha niya ang baso at ininom ang alak. Napangisi naman si Sigma. "Hinahamon ba ako?"

Hindi maaninag ang reaksiyon ni S. Walang nakakakabasa ng nilalaman ng isip nito. "Sigma..iniwan ka na naman ng mga miyembro mo."

Tumawa nang malakas si Sigma kaya napatingin silang lahat sa kanya. "Ayoko nang mahina. Pa’no sila tatagal kung sa unang suntok ko pa lang ay natutulog na sila." Nakangisi siyang napapailing. “Hindi masaya ‘yon.”

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now