PART 16 ~ MY DAY~NGEROUS 2.1

4.2K 92 18
                                    

sinipag ako kaya may UD..baka matagalan kc aq mgUD. salamat sa patuloy at sa mga bagong nagbabasa ng story ko. dahil sa inyo kaya kung anu-anong pumapasok sa isip ko..ang kaso di ko pa nasusulat..xDD

..................

Ang bilis ko talagang tumakbo, nakarating agad ako sa To&Ma’s World, kung sa’n maraming pwedeng gawin para maglibang. Grabe ang daming tao. May artista ba?

"Excuse me," paulit-ulit kong sabi dahil pati sa entrance ay siksikan na. Karamihan sa kanila ay mga babae na naghihiyawan. Na-curious ako kung sinong pinagpyepyestahan ng mga nilalang na 'to. Baka si Coco Martin o kaya si Daniel Padilla. Kung nagkataon swerte ko. Pipicturan ko sila at ibebenta kay Nari-bang.

Sumingit ako sa mga tao, andyang gumapang ako, lumuhod, humawi ng tao at tumambling. Pero syempre joke lang 'yon. Dito nga sa dambuhalang nasa harap ko di na ako makaporma.

Ayan, di talaga ako makasingit. Tumalon-talon ako at may nakita akong dalawang lalaki na parang naglalaro sa ano bang tawag do'n, 'yong...

"Kyahh..grabe ang galing n'ya. Taob na si Cion."

Pinalaki ko ang mga tainga ko para marinig sila. Iyon nga nagsasayaw sila do'n sa parang dance machine, ewan ko kung anong tawag do'n. Ignorante ako d’yan eh.

Sandali nga. Narinig ko…Cion? Artista ba 'yon? Si aling AsunCION lang kilala ko, 'yong nagtitinda ng kut-CION na magaling sa pas-CION at may hypertenCION. Otso ang korni ko.=_=

Mukhang hindi naman sila artista. Makaalis na nga at itutuloy ko na ang balak ko. Bali kakansyon ako esti aawit sa mga silid na 'yon. Yong ako lang ang makakarinig ng boses ko, baka kasi ma-discover ako at magkaron ng stampede dito pagnarinig nila ang, ahem, maganda kong boses. Mwuahaha! Nahahanginan ako sa sarili ko ah.

Pinapalit ko na 'yong twenty-five  pesos ko sa cashier. May pakinabang din pala ang negritong kulot na batang 'yon. Nadagdagan tuloy ang pera ko.Habang pinapalitan ng cashier ay napalingon ako ulit sa pinagkukumpulan ng mga girls and pa-girls.

Huh? Parang kilala ko ang malanding ngiting 'yon ah. Kinamot ko ang baba saka nag-isip. Nasisilip-silip ko lang ang may malanding ngiti habang may kaakbay na mga babae kapag gumagalaw ang nakaharang at malapad na katawan na nanonood doon..

Ay ano ba 'yan, bakit ko papahirapan ang sarili ko sa pag-iisip. Makakanta na nga. Sinundan ko ang isang staff at binuksan n’ya ang isa sa mga videoke room. Maliit lang naman ang loob, good for five-six person kung uupo kayo ah. Eh kung mahihiga, hindi talaga kasya. Makikita mo pa rin naman sa labas kasi glass ang kalahati ng wall n'ya. Ando'n sa mga sumasayaw ang atensyon ng lahat kaya maraming bakanteng rooms. Pili na nga ako ng kakantahin ko nang masimulan ko na ‘tong pasyon ko. Five songs ang mimimum kaya pipiliin ko na ang mga pinaka-gusto kong kanta. Sabik na talaga 'tong lalamunan kong bumirit. Nang makapili ako ay pinindot ko na ang mga numbers saka hinulog ang coin. Pagharap ko ay nagulat pa ako nang may dalawang demonyo na  nakaupo sa may upuan. Tss..tama nga ang hinala ko s'ya nga ang nakita ko kanina. Lumingon ako sa labas at nakita ko ang staff na ngumiti. Pinabukas siguro ng mga 'to. Tss.. ni-lock ko kaya ang pinto.

"Anong ginagawa n'yo rito? Do'n kayo sa kabila. Kita n'yo namang may gumagamit dito," galit-galitan ko. Aba pa'no ako makakanta nito kung may audience akong demons.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now