Part 49.1 ~ The apple

918 50 12
                                    



"Ops, ako na magdadala," pigil ko sa ika-isang daang libong babaeng nagbabalak pasukin ang pinamumugaran ngayon ng hari. Pinagtaasan niya ako ng kilay kaya pinatirik ko naman ang aking mga mata na walang kasing ganda. Muahahaha! Hindi ka makakalusot sa akin Miss. 

"Bawal po ang bisita," tila maamong tupa kong sabi, kabaliktaran ng mala-demonyita kong pag-iisip.

Nakasimangot na sinalaksak ng morena at magandang babae sa dibdib ko ang dalang bouquet. Mga isang paligo lang naman ang lamang niya sa akin. Kaya lang kasi ang lulusog nong sa kanya, samantalang ako, nevermind.

"Are you his bodyguard?" mataray niyang sabi.

"Ay, no. I'm his...his..uh...basta bawal po."

"Just a maid," matalas niyang sabi.

Sinalaksak ko rin pabalik ang bulaklak na bigay niya. "I just remember, he's allergic to flowers," sabi ko na pilit ang ngiti habang lumuluwa ang mga mata. Hindi na ako nag-antay pa ng balisong na ilalabas sa dila ng bruha, sinarado ko na ang pinto and boom! Kunot-noong nakatitig sa akin ang hari. Alam kong hindi nito narinig ang usapan namin kaya naman ngumiti na lang ako ng pagkatamis-tamis sa kanya. Nag-iwas na ito ng tingin at pinagpatuloy ang panonood niya. Hindi na ito nagtanong pa kasi sinusunod ko lang ang utos niya, though pwedeng tanggapin ang mga regalo. Pero over my dead and umm..approved body, sabihin ba namang mutchacha ako. Hindi ba niya napansin na pantay na ang bangs ko? Syempre nagmukha na akong tao konti. -__-

Napatingin ako paligid. Sa dami nang nagpadala ng mga bulaklak at mga pagkain ay maari na akong mag-umpisa ng business ko. Mabuti na lang at maluwang ang kwartong binigay kay X. Otso, ang daming hibang sa hari. At hindi ako makakapayag na may babaing daig pa ang pader sa pagkakapintura ang lalagpas sa pintuang ito, 'yung tipong three coatings lang sana, pero pagdating sa mukha ay naka-lima na. Tsk, kaya yumayaman ang mga cosmetics company eh.

Sinarado ko na ang pinto nang wala nang makaistorbo pa. Mwehehehe. Bakit ba feeling ko ay may masamang balak ang katawan ko sa lalaking ito?

Bura, bura, bura. Nakakapanindig ng bangs lang. Itong katawan ko, nagplaplano mag-isa.

Lumipad muli ang mga mata ko sa hari na prenteng nakaupo sa hospital bed habang bored na bored sa panonood. Tama. Nasa ospital kami ngayon dahil sa injury niya. Hindi siya naprotektahan ng kadiliman dahil may kapit din sa kadiliman ang mga nakalaban nila. Malaki siguro ang bigay ng mga iyon.

Labing-apat na segundo na lang natitira, at amoy na amoy na ang pagkapanalo ng Black Demons kahapon. Hindi na nakahabol pa ang mga kalaban nila kahit na mag-24K magic pa sila. Waepek na rin ang mga pandaraya nila dahil kitang –kita naman ang husay nila sa paglalaro. Ang lakas kaya ng mga demons. Muntik pa akong napasama sa mga fangirls ng mga ito. Pero syempre nakihiyaw at nakikalampag din ako nang mahimasmasan na ang bangs ko.

Sa kasamaang palad ay nadali ang hari nang pilit na pinabagsak siya ng pinakamalaki sa kabilang grupo. Mabuti na lang at sprain lang sa kaliwang paa ang natamo niya. Dahil kung hindi baka..baka...otso, naalala ko na naman ang pinaggagawa ko kahapon. Hay, minsan talaga pahamak si ako eh. -__-

Isa pa, tila walang nakakaalam sa mga pangyayaring naganap sa University. Tahimik ang bawat kampo o sadyang umatras na ang mga kalaban ng BD. Kaya naman matagumpay na natapos ang unang araw ng sport fest kahapon na isang linggong idaraos. Dahil sa injury ni X ay ang ibang demons na lang ang maglalaro. At malakas ang loob kong mananlo sila. Wala silang sinasabi sa akin tungkol sa mga kaaway ng grupo kaya minabuti ko na lang manahimik at wag ng makisawsaw pa. Ang mahalaga ay ligtas na ang kagandahan ko. Muahahaha!

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now