PART 20 ~ CAR WASH

4.2K 89 29
                                    

dahil may makulit akong reader ay napaUD ako nang wala sa oras. haha..oh ayan para sayo ang part na 'to Chuuchai..ayaw madedicate eh invalid email daw..tsk..si watty talaga.

Ai, favor pala. basahin niyo naman 'yong His Chase with chocolate promises  ko. sinali ko sa contest and kailangan ng votes. Pwede bang dalawan niyo iyon at basahin at iboto?*puppy eyes* Iyon muna ang i-vote nio..hehe

Lagay ako ng link sa external ha sa gilid po..pretty please*/\*

.....................................

Kinaladkad ako ni X nang hindi ko namamalayan. Si S kasi eh, parang drugs, nakakahigh. Eeehh…Kinikilig ang ribs ko.

Nanindig ang balahibo ko nang nagsalita ang hari ng kadiliman. "I want you to wash this car," maawtoridad n'yang sabi.

"Yes lord X," labas sa ilong kong sabi. Lagi na lang akong pinaglilinis ng kotse niya. Kalmutin ko kaya ‘to? Sigurado, iluluto niya ako ng buhay. Pero pinagpahinga naman niya ako kahit papaano kasi ngayon lang n'ya ulit ako inutusan nang mas mabigat na trabaho. Taga kuha lang kaya ako ng tubig niya mula nang bumalik ako.

Otso, grabe naman 'tong kotseng 'to ang putik. Sa kanal ba 'to pinapadaan?

Kinuha ko na ang mga gagamitin ko sa operation car wash. Asiwa pa ako dahil hindi umalis ang hari at nakamasid lang sa akin habang hinahanda ang mga gagamitin ko. Nakasandal s'ya sa kabilang kotse n'ya habang nakapamulsa.

"Lord X. Wala ba kayong gagawin? Sali ka muna do'n oh," nguso ko sa nagkukumpulang demons. Ewan ko kung anong ginagawa nila at mukhang seryosong-seryoso sila. "Pa'no ko mapapakikinang 'tong kotse mo kung andito kang malala pa sa aso kung mag-bantay."

"I really want to crash that mouth,” naniningkit niyang sabi. “I'm staying here. So shut that d8mn mouth or i'll lynch you."

Araguy ang lufet naman n'ya. Otso na-imagine ko tuloy ang sarili kong nakabigti sa sanga ng puno. I-packing tape ko na nga 'tong bibig na 'to.

Kinuha ko ang hose saka hinugasan ang sasakyan. Babasahin ko muna bago ko hilurin 'tong sasakyang 'to. Mabuti pa ‘tong kotseng ‘to nahihiluran ko. Eh ito ngang katawan ko tinatamad ako. Tama na ang isang timbang panligo.

"Rug doll, careful," galit na namang sabi nong hari. "That's expensive."

Oo na. Oo na..mayaman nga kayo di ba. Bakit pa kasi sakin ipapa-carwash? Makakabili ng ganito kamahal tapos hindi man lang kayang ipa-car wash. Tss..

Kinuha ko ang sponge na may sabon at marahas na pinunasan sa kotse. Panay din ang bulong ko na sana kumupas ang kotseng 'to.

"Wag mo ngang dinadasalan 'yan kotse ko." Lumapit s'ya sa akin. Sinipa n'ya nang mahina ang paa ko. Kapag ako hindi nakapagtimpi..hmmp..makikita niya ang kilos ng tunay na ninja.  "Give me."

“Ito?" nagtataka ko namang tanong.

"Faster," mala-leon n'yang sabi.

THE BLACK DEMON'S HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon