PART 1.2 ~ HABULIN..

6K 142 10
                                    

Dumeretso na ako sa Utility room. Magpapalit muna ako ng damit. Ang mahal pa naman nitong uniform namin. Buti na lang libre rin 'to.

Bogs...

Huh? May narinig akong ingay sa may pasilyo.

Hindi ko sana papansinin pero may kung anong bagay ang kumalabog. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang ingay. Nadako ako sa likod ng pool area.

Bag! Pak!

Napalunok ako sa nakita. Walang awang inuundayan ng suntok ang isang lalaki. Mabilis akong nagkubli.

"Di ka pa tapos d'yan X," sabi ng isa sa mga lalaki, nababagot ang tinig niya. Mahigit sampu yata sila.

"F*ck this idiot," sagot ng nangbubugbog.

Wala ba silang awa. Hindi na nga makalaban 'yong tao. Otso, naman baka mapatay pa.

"You commoner, I don't want to see your f*cking face anymore," sigaw nong lalaki. Nakakatakot ang tinig niya. Kahit hindi ko makita ang mukha niya sigurado nakakatakot din yon.

Nasa tagiliran nila ako. Malaya ko silang napagmamasdan. Iyong iba walang paki-alam, nakamata lang, naninigarilyo at naboboring.

Sumilakbo ang galit ko. Mga halimaw talaga ang mga tao rito. Katulad na lang n'yan. Bakit ba galit na galit sila sa mga katulad ko.

Nagpigil ako ng galit. Wala naman akong laban. Isa pa baka isunod ako ng mga sira-ulong 'yan. Naawa ako sa lalaki. Wala akong magawa para tulungan siya.

Aalis na sana ako nang makita kong kumuha 'yong lalaki ng tubo.

Shocks naman! Mamatay na talaga 'yong tao n'yan. Iyong mga kasamahan niya walang reaksiyon. Halimaw talaga.

Umisip ako ng paraan. Mabilis akong lumipat sa kabilang poste. Pumulot ako ng maraming bato. Bahala na. Hindi nakaya ng konsensya ko ang nakikita ko. Ihahampas na sana niya ang tubo nang nagpaulan ako ng mga bato. Malakas ang pagkakabato ko bahala na kung sinong tamaan.

Nagulat silang lahat.

"Nyeta sino 'yon," sabi nong isang spiky hair. Mabilis naman akong nagkubli.

"May tao X."

"Hanapin n'yo," galit niyang sabi.

X...X...X.....paulit-ulit sa isip ko ang pangalang 'yon. San ko ba narinig 'yong pangalang 'yon?

"Gotcha!" nakangising sabi ng biglang litaw na lalaki. Si spiky hair na kapag may nahulog na butiki sa ulo niya siguradong masasaksak. Hinawakan niya ang kwelyo ko.

"Hey, a girl?" kunot-noo niyang sabi.

Mabilis akong nakapag-isip nang gagawin. Patay na talaga ako pagnahuli ako. Tapos na ang pangarap ng parents ko.

Kyaahhh!!

Tinuhod ko ang kayamanan niya sabay takbo nang nabitawan ako.

"Aaaaahhhhhh....." napalundag siya sa sakit. " H-hayon s'ya. Habulin n'yo," sigaw niya.

Napalunok ako nang nagtama ang mga mata namin nong X. Saglit lang pero ang lakas ng epekto. Ang bangis ng mga mata niya parang kulay pula pa. Saglit....pamilyar sa akin ang kulay ng magulong buhok ng taong 'yon ah.

Ginamit ko ang buong lakas ko sa pagtakbo. Ginaya ko si eyeshield 21. Kung takbuhan lang mabilis ako dahil sprinter ako. Lagi akong nananalo sa track and field nong high school. Pero di d'yan nagtatapos ang problema. Tumingin ako sa likuran ko.

Juice ko po! Isang batalyon ba ang humahabol sa akin. Sana hindi na lang ako nakialam.

Biglang nag-sink in sa isip ko 'yong lalaking X ang pangalan...kulay mais na bubok??? magulo???

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now