Part 22 ~ THE LOST MONKEY

4.1K 87 15
                                    

ito na ang request mo..(boom! *fireworks* shing-shing)

siya po ay ang kaisa-isang tumatambay sa MB q..XD..tularan nio siya na inirerecommend ang TBDH..yippeee!! haha..

oh siya eto na...enjoy!!!!!!

..................>>>>>>>

Alas siyete pa lang ng umaga nang dumating ako sa kuta ng mga demons. Sabado ngayon, walang pasok. Nag-aalaga ako ng isang unggoy. Ungoy! Unggoy! Unggoy!

  

"Yah! Cherry baba ka na d'yan. Hindi mo ako kalahi kaya hindi kita maaakyat dyan," kausap ko sa naglalambiting unggoy sa may poste. Ang hirap pa lang magalaga ng unggoy. Grabe ang hirap kausap. Nasaan na ba ang amo ng unggoy na 'to nang maipasok na sa kulungan? Pag-alagahin ba naman ako. Tss.

  

"Baby kamon! Come to mama."

  

Humuni lang s'ya ng ho-hwa-a-ah.

Nakakaasar na 'tong unggoy na 'to ah. Tinanggal ko ang tsinelas ko at binato sa unggoy pero nagmintis ako at humuni ulit s'ya na parang pinagtatawanan ako.

  

Tapunan ko kaya  ng bomba 'tong unggoy na 'to. Kanina pa niya ako pinapahirapan. Ang lakas ding mang-trip. Mana sa amo.

  

Nakapamaywang na ako at talagang umiinit na ang ulo ko. Ramdam ko na iyong pagbuga ng usok sa may ilong ko.  Ang init-init pa naman ng kinalalagyan namin. "Hoy anak ka ng nanay mong apes ka. Bumaba ka na d'yan. Wag mo akong pagurin kung ayaw mong gawin kitang putahe. Kala mo ah, masarap akong magluto ng sinabawang unggoy. Baba na d'yan. Kaparehas mo lang ang amo mong my virus. Baba na. Pupulutanin ki..."

  

(whistle)

  

Napalingon ako sa pumito. 

"Cherry come here," sabi n'ya. Tumingin ako sa unggoy na naglalambitin at bumaba nga ito at tumalon kay S.

  

"Wow galing. Napababa mo 'yang kapatid ni H."

Napangiti s'ya sa sinabi ko. 

Uy, uy, Syn ang bibig isara. Ang laway tatagas. Ahem!

  

"Pagganitong oras nilalaro s'ya ni H."

"Mukha ngang bratinella," sabi kong masama ang tingin kay Cherry. Binilad ako sa araw eh. Tsaka kakainggit tong unggoy na ‘to, nakakarga pa kay S. Kinuha ko na ang tsinelas ko. Baka makalimutan ko pa 'tong tig-isang daang tsinelas ko. Sayang naman. Havaianas kaya 'to. Tabingi nga lang ang pagkakasulat.

  

Pumunta kami sa may swing dahil doon daw tumatambay ang sosyalerang unggoy. Gusto raw ng unggoy na 'to na dinuduyan.

  

Tss..ang arte ng unggoy na 'to. Di pa ba s'ya sawa sa pabaging-baging n'ya.

  

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now