Part 42.2 ~ THE GAME

2.5K 99 12
                                    

Hello guys!

I dedicate this one to Miss @shin23_dalas. Thanks for reading my story and I'm happy na napapangiti ka ng TBDH. Kahit papaano nakakatulong ako na maibsan ang kalungkutan mo kahit konti lang...at sa layo mong yan ay nahanap mo pa ang istorya ko.. ._. xD Take care and bless you my dear.

Enjoy reading! 

...........

Pagkatapos ng giyera sa may lamay at pagtambay sa barangay hall ay dumeretso na kami sa bahay para sa pangalawang paglilinis sa sugat ng hari. Hindi kasi masyadong naampatan ng first aid dahil ayaw niyang magpahawak. Tss..mauubusan na nga ng dugo umaarte pa. Ayaw naman niyang magpadala sa ospital o clinic kaya pinilit na ni Val na sumama sila sa amin. Sakto namang binuhos ng langit ang kanina pang kargadang tubig kaya hayan at natubigan na naman ang tuyong lupa.

Walang humpay ang biruan ng mga demons kahit pa muntik nang may mapatay ang hari nila. Imbes kasi na umawat ang mga kampon ay pinanood lang nila ang hari kung paano niya gulpihin si kuyang lasing in a demon way. Tsk. Nakakaawa iyong lalaking ginulpi ng demonyong 'to, nangawit lang yata si X kaya tinigil na niya ang paggulpi. Wala namang naglakas ng loob awatin siya dahil mukhang nagenjoy pa ang mga tao. Isa pang tsk yan, iba na talaga ang isip ng mga tao ngayon. At tama talaga ang vibes ko na wrong na wrong na isama ang mga kampon ng demonyo. Naging makasaysayan tuloy ang lamay ni Aling Selya na sana naman ay manahimik. Nagulo pa namin ang lamay niya at ang business ni mamu. Napasugod tuloy siya ng wala sa oras.

Nasa harap ng bahay ang ilang demon at naninigarilyo dahil pinagbantaan sila ni Valeria na bawal ang kapre sa loob ng bahay at namumugot siya. Isang himala naman na nautal ang mga demonyo at para silang mga langgam na binuhasan ng tubig at nagsilabasan kahit pa feel na feel ng ulan ang pagbuhos. May bubong namang iyon kaya hindi sila mababasa. Bilib na ako kay boss kahit demonyo natatakot niya.

Diniinan ko ang pagpahid ng bulak na may alcohol sa sugat ni X. Mabuti na lang at hindi iyon malalim o malaki. Sa bagay sa tigas ba naman ng bungo niya kahit siguro tubo ang ipalo sa ulo niya hindi siya tatablan.

Nararamdaman ko ang matatalim na tingin ng Samaurai X kapag dinidiinan ko ang bulak. Dineadma ko lang iyon at nagconcentrate sa sugat niya. Mas masaya nga sana kung buhos na agad ng alcohol eh. Ang sarap makita kung paano siya magrereact. Muahahaha!

"Ginagamot mo ba ako o nanadya ka lang?"

Napatigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya nang hindi makapaniwala. Tama ba ang dinig ko? Nag-tagalog ang demon. Naubusan na kaya siya ng English sa katawan o hindi kaya ito ang epekto ng pagkakapalo niya sa ulo? Paluin ko kaya to araw-araw?

"What?" asar niyang sabi. Malamang iritado na siya sa facial expression ko.

"Nakakapagtaka lang eh, nagsalita ka ng katulad ng salita ko," sabi ko na hindi nilulubayan ang pagtataka.

"Alien ba ako na hindi marunong magsalita ng salita mo?" walang gana niyang sabi.

Napailing ako nang marahas. Okay mas bagay sa kaya nagi-english pero nakakatuwa ang tono ng pananalita niya ng tagalog. Napatawa ako, iyong sakto lang, parang coke ba.

"Tss. What's funny?" angil niya.

"Demon ka," sabi ko sabay taas ng dalawang daliri sa ulo ko at ginawang sungay. "Iba ang lengguahe niyo."

"It's just our group name."

"Oh ba't biglang kinakahiya mo yang pagiging demon mo?"

"Shut up."

"Sus, may pa-black black demons pa kayo. Mukha din naman kayong jejemon na gangster." Napa-aray ako sa pagsipa niya sa akin. Hindi ko inaasahan yun ah.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now