PART 37 ~ INVITATION

2.7K 111 53
                                    

Mabuhay si ate shan! *-*)/  Sa wakas naisipan rin magupdate. Gulpihin na ba naten? ._.)”

Nagbasa ako ng mga comments niyo at ako ay talSga namang natouch ng mga bente. T^T

Tama si @malditangmahiyaan dalawang taon na ang TBDH. ._. Tsaka isa siya sa mga dalawang taong sumubaybay neto..T^T neeyek nemen eke ng mga trenta.. *^*

 At syempre hindi ko naman ito itutuloy kung di dahil sa inyong lahat, nagpaparamdam man o patago-tago lang..(ang drama ko ._.)

At eto na..baka mas mahaba pa ang sasabihin ko kaysa update kung magpapatuloy pa ako..xDD Nyahahahaha..

Enjoy reading.. *u*)/

……….

Ang hirap talagang pigilan ‘tong mga  byutipol eyes ko sa pagsara, konting konti na lang talaga at pipikit na. Imbes kasi na matulog ako kagabi, kung ano-anong eksenang pumasok sa kukute ko. Nariyang nilalapastangan ako ni X at nariyang nagpapalapastangan ako kay S. Muahahaha! Trip ko iyong huli.

Ano ba namang pagiisip meron ako? Otso para akong binabangungot ng gising. Sumpain ang demonyong D na yun, sabihin ba namang may pagnanasa ako kay X. Juice Mio Narimar! Para tuloy lalagnatin ang atay ko sa mga pinagsasabi niya.

Ba’t ko ba minamaltrato ang utak ko sa kakaisip sa taong iyon? Hindi dapat pinagaaksayahan ng enerhiya ang mga walang silbing pinagsasabi ng demonyong iyon. Tama. Erase. Erase. Erase.

At isa pa, si S lang ang pinagnanasahan ng bangs ko. Di ba?

Pero ang matindi, sabihin ba namang may pagnanasa saken ang halimaw na si X. Masyadong maiksi ang sungay ko para gustuhin niya ako. At isa pa, wala akong buntot para paginterisan niya. Hanggang ngayon nagsa-suffer pa rin ang sikmura,atay at balun-balunan ko sa mga ideyang pinagpupulot ng demonyong iyon.

Napatingin ako sa bintana para masdan ang repleksyon ko. Medyo magulo si bangs  na tumatakip sa noo ko kaya naman inayos ko nang maging katanggap tanggap  naman ako sa lipunan.

Hindi naman ako maganda para gustuhin niya di ba? Sa gwapo niyang yun.

Napabuntong hininga ako sa naisip. Oh di inamin ko ring gwapo siya.

Iyon talaga ang bumabagabag sa akin. Ang haba naman yata ng  sungay ko para tablahin niya.

Kaya lang lechugas, hindi mapakali ang mga selyula ko. Otso…

"Miss Garcia!"

Bigla akong napalingon sa tumawag sa akin habang nakawak sa bangs ko.

"You can fix your Dora bangs outside my class," seryosong sabi ng Professor namin.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now