CHAPTER NINETEEN (I)

1.3K 53 4
                                    

PAKIRAMDAM ni Leyneri ay pinaghihiwalay ang bawat bahagi ng katawan niya.  Hindi niya maintindihan kung saan nagmumula ang sakit.  Sa dibdib ba niya, sa sikmura, o sa mga binti?  Gusto niyang imulat ang mga mata pero parang may mga malalaking bato na nakapatong doon.  Kaya naman walang hanggang kadiliman lamang ang nakikita niya.  Noon niya narinig ang napakapamilyar na tinig na 'yon.  At isa lamang ang paulit-ulit nitong sinasabi.

I will come back, printsessa.  I will come back for you.  I promise.  So please, wake up, malysh.

Iminulat ni Ley ang mga mata.  Ang unang bumungad sa kanya ay ang kulay puting kisame.  Sinubukan niyang tumayo pero agad siyang inatake ng matinding sakit sa tagiliran niya. 

"Ley!"  Nagulat siya nang lumitaw sa field of vision niya ang imahe ng ina.  Agad nitong hinawakan ang kamay niya.  "Oh my baby, you're finally awake," mangiyak-ngiyak na wika nito.

Pagkatapos no'n ay lumitaw naman sa tabi nito ang ama.  "Ley, my princess," wika ng ama na idinampi ang palad sa pisngi niya.

"Ma... ma?  Pa... pa?"  Her voice sounded hoarse na para bang ilang araw na niya 'yong hindi nagagamit.  Pero ang mas ipinagtataka niya ay kung ano ang ginagawa ng mga magulang dito.  "Anong-?"

Susubukan niya sana muling bumangon ngunit pinigilan siya ng ina.  "No, Ley.  Hindi ka pa dapat bumangon, your wound is still fresh.  Baka bumukas 'yon kung bigla-bigla ka na lang gagalaw."

"I better call the doctor," wika ng ama na bago umalis ay hinalikan muna siya sa noo.

Sa narinig niya ay saka pa lang rumehistro sa utak niya ang mga bagay sa paligid niya.  The IV drop, the white walls, the prominent smell of antiseptic, she's at a hospital.  Sa isiping 'yon ay parang rumaragasang alon na nagbalik sa kanya ang mga ala-ala.  Shane's death, Francis and his grandfather's journal, Wesley and his gun, and Sasha.  Ngayon naiintindihan na niya kung saan nanggagaling ang sakit ng katawan na nararamdaman. 

When Parker tasered Wesley, bumaba ang depensa nila dahil akala nila ay hindi agad-agad makakakilos ang lalaki.  But they underestimated the guy's willpower.  Sino bang mag-aakala na magagawa pa nitong paputukin ang baril na hawak.  Pero ang mas ikinagulat niya sa lahat ay ang ginawa niya.  Hindi niya akalain na magagawa niyang iharang ang sarili niya sa isang padating na bala.  But at that moment, her body just moved on its own and all she could think about was how she didn't want that bullet to graze any part of Sasha's body.

Hindi niya magawang isipin ang dahilan sa likod ng aksyon niya because her brain was still too addled with mecinal drugs.  Ang mas gusto niyang malaman ngayon ay kung ano ang nangyari kay Wesley, and of course kina Sasha at Parker pagkatapos ng pagkabaril niya.  Itatanong na sana niya sa ina ang tungkol do'n nang bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok ang Kuya Hania, Kuya Shiriya, at Kuya Kohana niya.  Humahangos na tumakbo ang mga ito palapit sa kama niya.

Hinawakan ni Hania ang kamay niya.  He looks like an exotic prince because of the combination of his blond hair and dark skin.  "Ayos ka na ba, Ley?  May masakit pa rin ba sa 'yo?  Nagugutom ka na ba?  O gusto mo ng maiinom?" sunud-sunod na tanong nito, puno ng pag-aalala ang itim na itim nitong mga mata.      
   
Hinawi naman ni Shiriya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya.  "You really scared us, sweetheart.  Parang nabawasan ng ilang taon ang buhay naming lahat nang marinig namin ang nangyari sa 'yo."

"Kung hindi ka lang nakaratay ngayon d'yan sa kama, I'll pinch those cheeks of yours so hard until you repent for all your actions," wika naman ni Kohana.  Pero sa kabila ng galit na tono ng pananalita nito, inabot pa rin nito ang isang kamay niya at mahigpit 'yong hinawakan.  "You brat, don't do that ever again."

The Charmed ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon