CHAPTER TEN (I)

1.4K 54 0
                                    

THEY NEED to go to her house.  Sa tingin ni Sasha ay 'yon din dapat ang ginawa ng mga pulis.  Pero dahil siguro sa Baguio naganap ang krimen at nasa Manila area naman located ang bahay ng dalaga, the police immediately marked it as irrelevant.  Ano nga namang makukuha ng mga ito kung iimbestigahan pa nila ang tirahan ni Shane gayong napakalayo naman no'n sa scene of the crime?  But he thinks otherwise.  Madaming impormasyon ang pwedeng makuha sa bahay ng dalaga.  Especially if the reason behind the killing was personal.  Pero wala yata sa mga pulis na may hawak ng kaso ang tumitingin sa gano'ng anggulo.  Kaya siguro hanggang ngayon ay wala pa ring development sa pagkamatay ni Shane.

The PI Ley hired had the right idea but he obviously didn't push it through.  Pumunta ito sa bahay ni Shane para i-retrace ang galaw ng dalaga bago ito pumunta sa Baguio nung araw na pinatay ito.  Kinuhanan lamang nito ng larawan ang harapan ng bahay ng dalaga, ni hindi nga lamang yata ito pumasok sa loob.  Sasha thinks that that PI has some reservations in regards with this case.  Pakiramdam niya ay hindi nito ginawa ang lahat para mahanap ang lahat ng kailangang impormasyon patungkol sa nangyari.  Ley said that the PI was her brother's friend. 

He probably held back on investigating dahil nag-aalala ito sa kung anong pwedeng mangyari sa kapatid ng kaibigan nito kapag ipinagpatuloy ni Ley ang paghahanap sa may sala.  So he only took the minimal amount of information, sapat lang para hindi magduda si Ley.  Tingin niya ay sinadya din nito na ang unang larawan na makikita ng dalaga ay ang karumal-dumal na scene of the crime.  Iniisip siguro ng PI na 'yon na kung gagawin nito 'yon na matatakot si Ley at susuko ito kaagad.  He probably thought that he was doing his friend a favor by unintentionally discouraging the younger sister from doing something that may endanger her.  At hindi malabo na mangyari 'yon kung ipagpapatuloy ito ni Ley.

Ligature marks from being tied up.  Stigmata marks carved on each palms and feet.  A stab wound straight to the chest done without even an inch of hesitation.  And blunt force trauma to the head which probably was the one that killed her.  Anyone who could do that to another human being is clearly a monster.  Oo, sinabi niya kanina kay Ley na may posibilidad na naka-drugs ang may kagagawan nito but he, himself, highly doubt that.  The way Shane was killed was highly methodical.  It was done in a very deliberate manner, halatang walang konsensiya ang gumawa.  What he said earlier was true, kung malalaman ng kung sinumang gumawa nito kay Shane na hinahanap ito ni Ley, there's no doubt that he will come after her.  At 'yon ang hindi niya pwedeng hayaang mangyari.

Lalo pa at malabong sumuko si Ley sa paghahanap sa may sala.  Yes, she was afraid.  That much was apparent.  Ni hindi nga nito matingnan ng ayos yung larawan ng scene of the crime.  Pero higit pa sa takot na nadarama nito ay ang matindi nitong kagustuhan na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kaibigan.  Her determination overrides her fear.  Pero hindi lang determinasyon ang nando'n.  There was also pain, sadness, and an overwhelming rage.  With those emotions come recklessness.  Hindi malabong may gawin itong ikakapahamak lamang nito.

Nang sabihin nito kanina that she was looking for a murderer, he thought she was just throwing him off para lubayan na niya ito.  And because he was indeed bored and curious, hindi niya ito tinigilan hangga't pumayag ito.  Pero nang simulan na nitong ikwento ang nangyari, napagtanto niya kung gaano kaseryoso ang sitwasyon.  And when she showed him those files, isang desisyon ang agad na nabuo sa isipan niya.   He will do everything to protect her.  Kaya nga pinilit niya talaga ito na hayaan siyang tulungan ito.  Because that's the only way he could protect her.  Alam niyang hindi niya ito mapipigilan, so the only option left ay protektahan ito.

Hindi niya ito ginagawa dahil masyado siyang matulungin na tao.  He's a thief, for Pete's sake.  He will never consider himself as charitable.  He was doing this because its Ley.  Kung sa ibang tao siguro nangyari 'to, he probably couldn't care less.  But it's her and for some reason he cares.  Hindi niya alam kung dahil lang ba 'yon sa may history sila o dahil sa simpleng rason na attracted siya dito.  Yes, he was attracted to her.  That much was obvious.  Everytime he touches her, he could literally feel the sparks flying off the air.  Pero alam din niya that he won't go this extra mile just for any woman he's attracted with.  Hindi siya sigurado kung bakit niya nararamdaman ang ganitong overprotectiveness para kay Ley but the bottomline is he wants to protect her.  And that, he will do.

"Do you think we could find something in her house?" tanong ni Ley sa kanya.

"I sure hope so."

Tumango ito pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa mga larawan at papeles na nakapatong sa center table.  Nangininig ang mga kamay na isa-isa niya 'yong dinampot.

"You don't have to do that," pigil niya dito.  It was so obvious she was struggling.

"I have to.  I can't exactly continue looking for that murderer if I know zilch about the case."

Isa-isa na nitong tiningnan at binasa ang mga larawan at papeles.  Nanginginig pa rin ang mga kamay nito pero hindi ito huminto.  Every page she finished, her pain became more apparent.  But she continued and held on.  Nang matapos ito ay mariin itong napapikit.  Her lips was trembling now at alam niyang pinipigilan lamang nito na tuluyang mapaiyak.  Tumayo siya at naupo sa tabi nito.  Bago pa siya makapag-isip ay ipinatong na niya ang braso sa balikat nito and pulled her to his chest.

"A-anong ginagawa mo?" tanong nito, her voice already hitching.

"Lending you a shoulder to cry on."

"I-I don't want to cry again."

"Hindi naman masamang umiyak.  Sometimes, it's the only thing people could do to somehow lessen the pain and the sadness.  I'm here.  My shoulder and chest are free.  So cry to your heart's content."

And she did.  Pumailanlang sa paligid ang mahinang paghikbi nito.  He could feel the tremors racked her body.  Pakiramdam niya ay may kung anong pumipiga sa puso niya sa tuwing nararamdaman niya ang panginginig ng katawan nito dahil sa pag-iyak.  He doesn't like seeing women cry.  Kung siya lang ang masusunod, gagawa siya ng batas na magbabawal sa kahit na sino na magpaiyak ng mga babae.  But seeing Ley cry feels somehow different.  Like his heart was being pricked by tiny needles. 

She cried and cried hanggang sa gumaralgal na ang tinig nito.  Hinagod niya ang likod nito, hoping that it could at least give her just a bit of comfort.  Sa pag-iyak nito ay di sinasadyang nadanggil nito ang sugat sa tagiliran niya.  Napaigik siya.  Dagli naman itong lumayo sa kanya dahil sa nangyari.

"Wha- anong nangyari?  N-nasiko ba kita?" tanong nito, with tears in her eyes and snot running down her nose.  And somehow, she still looked so beautiful to him.

Sa halip na sagutin ito ay inabot niya ang mukha nito at pinunasan ang mga luhang naglalandas sa pisngi nito.  "Your eyes are so red and puffy.  It's cute," wika niya pero agad ding napangiwi dahil sa pananakit ng sugat.

Napatingin ito sa tagiliran niya at bigla na lang nanlaki ang mga mata.  "You're bleeding!  W-what happened?  No, we need to stop the bleeding first.  I-- We need a first aid kit."

Tatayo sana ito pero agad niya itong pinigilan.  "I'm fine.  It's nothing.  Just a scratch."

"A scratch?  A scratch doesn't cause bleeding!  Show it to me."  Bago pa siya nakatanggi ay naiangat na nito ang suot niyang polo.  His wound was obviously bleeding through the gauze.  "Shit.  What happened?  Does it hurt?  What do you need?"

Hindi niya napigilang mapangiti.  She just looked so cute, with that worried look on her face.  "I like this.  You, fawning over me.  It's adorable."

"I- would you please be serious?  We need to put a new gauze on that wound."

"I have a better idea.  Why don't you kiss all the hurt away."

Mas lalo lang lumawak ang pagkakangiti niya nang mamula ang buong mukha nito.  Bumaba ang tingin niya sa labi nito.  And he was overwhelmed by this huge urge to kiss her right there and then.  Itinaas niya ang kamay at idinampi 'yon sa pisngi nito.  Napansin marahil nito kung saan siya nakatingin dahil mas lalo pa itong namula.  And his urge to kiss her just went exponentially high.

"Ley..." 

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha dito.  Mariin nitong ipinikit ang mga mata, hinihintay ang paglapat ng labi niya sa labi nito.  Pero bago pa 'yon mangyari ay may bigla na lang tumikhim sa may likudan nila.  Agad siyang napalingon.

"Am I interrupting something?" tanong ng babaeng nakatayo ngayon malapit sa may pinto.

Muntikan na siyang mapaungol nang makita ito.  Shit.  Parker.

The Charmed ThiefWhere stories live. Discover now