CHAPTER SEVENTEEN

1.5K 45 4
                                    

ITINIGIL ni Sasha ang sasakyan sa bukana ng Kias Forest.  Bumaba na si Leyneri at pinagmasdan ang mayayabong na puno na nasa harapan.  Mag-a-alas diyes na ng umaga.  Maaga silang umalis sa bahay nina Francis pero ngayon lang sila nakarating dito dahil sa hindi inaasahang traffic.

Kinuha na ni Sasha ang dalawang pala sa car compartment.  Ibinigay nito ang isa kay Francis.  Nagdala sila just in case nando'n pa ang mga diyamante at kailangan nilang maghukay.  Ayon sa instruction na nakalagay sa mapa na nando'n sa journal ni Rigelio Roxas, they need to walk at least one kilometer straight north from the southwest entrance of the forest - na siyang kinatatayuan nila ngayon.  Kaya naman nag-download si Sasha ng app sa phone nito that will measure the distance they will travel while walking.  Para masukat no'n ng tama ang distansiyang tinatahak nila habang naglalakad.  May compass ang phone niya na siya namang magtuturo sa kanila kung saan ang daan patungong hilaga.  Sa gano'ng paraan ay masisiguro nila na tama ang napuntahan nila.

"Pwede bang dito na lang ako, magbabantay ng kotse?" wika ni Parker sa wikang Inggles.  "I'm not really up to walking a kilometer long trek this early in the morning," dugtong pa nito na naupo na sa hood ng sasakyan.

Hinigit naman ito ni Sasha patayo.  "No, you're coming with us.  I know you, you'll definitely go for a joyride once we're gone.  And then there's a high chance that you'll forget about us and we'll be stuck here waiting for another car to pass by.  So no, you're definitely coming."

Parker just clicked her tongue.  "Fine, fine."

Lumingon sa kanya si Sasha at inilahad ang kamay.  "Let's go, Ley."

Walang pag-aalinlangang tinanggap niya 'yon.  At nagsimula na silang maglakad papasok sa gubat.  Nauna na silang maglakad ng binata habang kasunod naman nila sina Parker at Shane.  They're just one kilometer away from possibly finding all the answers.  Sa isiping 'yon ay hindi niya namalayan na napahigpit na pala ang hawak niya sa kamay ni Sasha. 

"S-sorry, I--" 

Dagli na sana niyang bibitawan ang kamay nito pero agad nitong pinigilan ang kamay niya and instead entwined their fingers together.  "Don't worry, Ley.  Everything will be fine at the end.  I'll make sure it will.  I promise."

Sa mga simpleng salitang 'yon ay parang bulang biglang nawala ang lahat ng pag-aalinlangang nadarama niya.  Hindi naman siya umaasa na magiging maayos nga ang lahat dahil lamang sa sinabi nito 'yon.  But he said it with so much conviction that she has no other choice but to believe it.  And it soothed her.  Siguro dahil kailangan niya talaga na may magsabi ng mga salitang 'yon sa kanya.  To reassure her that at the end of all these, they will find justice.

"Thank you, for saying that.  And for everything else that you've done so far.  Alam ko na gibagawa mo lang 'to because you wanted to satisfy your curiousity and your boredom.  But still, thank you.  Kung hindi siguro dahil sa 'yo, I would have not probably come this far.  Baka hanggang ngayon, nangangapa pa rin ako sa dilim."  Huminto ito sa paglalakad dahilan para mapahinto rin siya dahil magkahawak pa rin ang mga kamay nila.  "Anong problema?" takang tanong niya dito.

"I just don't know if I should be offended that you still think that I'm doing all these just because curiousity and boredom."

Hindi naman niya naunawaan ang sinabi nito.  "But you said--"

"Yes, I did say that.  But surely, you must have noticed that there's more to it than that."

"There is?"

Sinimangutan siya nito.  "Now, I'm truly offended.  Haven't you realized it yet?"

"Realized what?"

The Charmed ThiefTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang