CHAPTER EIGHTEEN (II)

1.2K 49 4
                                    

MABILIS ang naging pag-ahon ng galit kay Ley nang makita ang mukha ng pinsan ni Shane.  Every part of her feels like it was boiling with so much rage.  Hindi na naman niya napigilan na maalala ang natuklasan nila kahapon.  The result of the DNA test showed that the two bloods in the sample has twenty five percent similarity on their genetic sequence.  Nangyayari lang 'yon kung magkamag-anak ang kinuhanan ng sample.  Twenty five percent similarity meant that the blood samples belonged to a pair of cousins.  Isa lang ang ibig sabihin no'n.  After all, iisa lang naman ang buhay na pinsan ni Shane. 

Lalo lang nasementuhan 'yon nang sabihin sa kanila ni Sasha ang resulta ng facial recognition na ginawa ni Intel.  The guy on the footage was none other than Wesley Pascual.  Hindi niya ito nakilala do'n sa mga footage dahil sa balbas sarado ito.  Tinakluban din nito ng salamin ang mga mata.  He probably used that disguise para hindi rin ito makilala ni Shane at masundan nito ang kaibigan niya ng hindi ito naghihinala.  Nalaman din nila na hindi totoong wala ito sa bansa noong panahon na namatay si Shane.

And for what?  For him to get his hands on those damn diamonds?  Nakuyom niya ang kamao para mapigilan ang panginginig no'n dala ng sobrang galit.  Humingi siya ng malalim at pinilit ang sarili niya na ngumiti dito.  "Hi, I hope you still remember me."

Tiningnan siya nito pati na rin sina Sasha at Parker bago muling ibinalik ang tingin sa kanya.  "Isa ka do'n sa mga kaibigan ni Shane.  May problema ba?"

Bago niya sagutin ang tanong nito ay ipinakilala muna niya sina Sasha at Parker bilang mga kaibigan din ni Shane.  Of course, hindi niya sinabi dito ang tunay na pangalan ng dalawa.  "It's about Shane's case.  Pwede ba kaming pumasok?"

His face ticked nang banggitin niya ang tungkol sa kaso ni Shane.  "Sure."  Niluwangan nito ang bukas sa pinto at nauna nang pumasok sa kanila.  Sumunod na sila papasok dito.  "Upo kayo.  Can I offer you something to drink?"

"No, thanks," wika niya na naupo na sa couch na nando'n. 

"Ah, excuse me, pero pwede bang makigamit ng CR?" singit ni Parker.

"Sure.  Just go straight and turn left," wika ni Wesley.

Good.  Mukhang hindi nito pinagdudahan ang aksyon ni Parker.  Ang plano nila ay pilitin itong mag-confess sa ginawa nitong kasalanan.  Habang kinakausap nila ito ay hahanapin naman ni Parker ang mga diyamante.  Naniniwala sina Sasha na nandito rin sa condo nito ang mga 'yon.  Because it would be too dangerous for it to be elsewhere.  Mas mapapadali nila itong mapaamin kung mahahanap nila ang diyamante.

"So, what about the case?" tanong ni Wesley na naupo na rin sa tapat nila.  "'Yong huling tawag ko sa mga pulis wala pa daw development."

"Hindi pa ba sila tumatawag sa 'yo?  There's been a new development.  Nahanap na nila 'yong totoong scene of the crime.  Apparently, it was somewhere inside Kias Forest.  After the killer bashed Shane's head, they moved her out of the forest and took her body near Philex road where they put the dagger on her chest.  Quite heartless, don't you think?"

It took all of her willpower just not to put a bite on her words o ipakita sa mukha niya ang nararamdamang galit.

Napansin niya kaagad ang pamumutla ng mukha nito dahil sa sinabi niya.  Hindi ito kaagad nakapagsalita pero mabilis din naman nitong nahamig agad ang sarili.  "I- I see." 

"Not only that, they also found a very important piece of evidence na makakapagturo sa kriminal na gumawa nito.  They're probably on their way now to make an arrest.  That's why I'm here, gusto ko na nando'n ka habang inaaresto nila ang halimaw na gumawa nito kay Shane.  You are her only family left.  Tama lang na nando'n ka."  Pinagmasdan niya ang reaksyon nito.  She thought he will look more nervous.  Pero matapos ang nauna nitong pamumutla, mas kalmado na ito ngayon.  He was eerily calm to be exact.  Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita hoping to get a reaction from him.  "May nalaman din sila sa pag-iimbestiga nila.  Shane was looking for something.  At naniniwala sila na 'yon ang dahilan kung bakit siya namatay.  Apparently, she was looking for," tiningnan niya muna ito ng diretso sa mga mata bago nagpatuloy, "diamonds."

Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito.  "Diamonds."  Tumayo ito at lumapit sa bar counter.

"The guy is a sociopath, hindi natin siya mapapaamin sa ganitong paraan," mahinang wika sa kanya ni Sasha.

"Why don't you tell me the real reason why you're here?" wika ni Wesley, nakatalikod ito sa kanila kaya hindi siya sigurado kung ano ang ginagawa nito.  "You see, I really hate playing mind games."

"If you're not as stupid as you look, then you probably already have an idea why we're here."

Pagkasabi no'n ni Sasha ay eksakto namang paglabas ni Parker.  Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari.  Bigla na lamang hinigit ni Wesley ang dalaga.  Ikinawit nito ang isang braso sa leeg ni Parker at tinutukan ng baril ang ulo nito.  Napasinghap siya at pareho silang hindi nakakilos ni Sasha.

"I told you, I hate mind games.  So why don't you just tell me what you know before I'll blow this girl's head," halos walang emosyong wika nito. 

"Let go of her!  Talaga bang wala kang puso?  Gano'n lang ba kadali sa 'yo na pumatay ng tao?" sigaw niya dito.

"Surprisingly, yes.  I just found out about it recently though."

Humarang sa harapan niya si Sasha.  "So your cousin was your first victim.  I must say, the way you killed her was most interesting."

"You think?  Pero mukhang hindi ako naging maingat if the lot of you managed to identify me as the killer.  Dapat siguro pinagpira-piraso ko na lang ang katawan niya at ibinaon 'yon sa iba't-ibang parte ng gubat.  Yeah, I should probably do that to the three of you since you already know my secret.  Kung dito kayo dumiretso sa halip na sa mga pulis, ibig sabihin ay hindi pa nila alam ang mga nalalaman niyo.  I could still get out of here if I kill the three of you."

Hindi na niya napigilan ang pagkawala ng galit na kanina pa niya kinikimkim.  "You piece of shit!"  Dagli siyang pinigilan ni Sasha sa tangka niyang pagsugod dito.  "Why?  Paano mo nagawang patayin ang sarili mong pinsan?  Your own flesh and blood!  And for what?  For those fucking diamonds?"

"It's not just diamonds.  It's because she's a selfish bitch.  Do you know that I went to her, asking, no, begging for her help para maisalba ko ang negosyo ko.  Because I know na may iniwang malaking pera sa kanya ang mga magulang niya.  But she told me 'no', dahil kailangan ko raw harapin ang consequences ng mga ginawa ko.  That's when I accidentaly saw the map.  Naramdaman ko kaagad na hindi lang 'yon basta-basta mapa lang because of how fast she hid it from me.  So I decided to follow her around.  At doon ko nalaman ang tungkol sa mga diyamante.  She was looking for diamonds and she can't even spare me a bit of money.  Just how selfish someone can she be?  For that alone, she really deserved to die.  So I decided to take the diamonds for myself and kill her."

Hindi niya maintindihan kung anong klaseng pag-iisip meron ito.  It's just so twisted that it makes her head spin and her stomach churn.  Hindi na normal ang takbo ng pag-iisip nito.  It's like he's having some sort of psychotic break.

"Ah, this stupid guy is actually telling us everything," wika ni Parker na parang hindi man lang naaapektuhan na may nakatutok na baril sa sintido nito.  Nilingon nito si Wesley.  "You should have really just shut your mouth.  But then, we should probably just thank you for your cooperation."

Mula sa bulsa ay kinuha ni Parker ang isang taser.  Mabilis nitong itinusok 'yon sa binti ni Wesley.  Nangisay ang buong katawan nito at agad na natumba sa sahig.  Dagli namang lumayo si Parker mula dito.

"Dapat kanina mo pa ginawa 'yon!  I was so scared that he might accidentally shoot you," wika niya kay Parker.

"I was waiting for him to reveal everything," kibit-balikat na wika nito at kinuha mula sa isa pang bulsa ang isang pouch.  "Mukhang hindi naman na pala natin kailangan 'tong mga diyamante na 'to para paaminin siya," dugtong pa nito na ang tinutukoy marahil ay ang laman ng pouch.  Bumaling ito kay Sasha.  "You recorded everything he said, right?"

"Of course.  Ngayon, ang kailangan na lang natin gawin ay ibigay 'to sa mga pulis."

Nilingon niya si Wesley at nanlaki ang mga mata niya nang makita na sa kabila ng pagkakadapa sa sahig ay nagawa pa nitong iangat ang hawak na baril at itutok sa kanila.  And it was pointing straight at Sasha.  Parang slow motion ang mga sumunod na nangyari.  Ipinutok nito ang baril.  Kusang gumalaw ang katawan niya at iniharang 'yon sa harapan ni Sasha.  Damang-dama niya ang pagbaon ng bala sa sikmura niya.  Narinig niya ang malakas na pagsigaw ni Sasha sa pangalan niya.

Then, there was only darkness.

The Charmed ThiefUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum