CHAPTER ONE

8.1K 104 6
                                    

NAG-INAT ng katawan si Leyneri bago tuluyang tumayo mula sa higaan.  Dali-dali siyang lumabas ng balkonahe ng silid at nilanghap ang sariwang hangin ng isla.  Iminulat niya ang mga mata at pinagmasdan ang tanawin na nasa harapan.  Ang unang bumungad sa kanya ay ang malawak at asul na asul na karagatan at pagkatapos no'n ay ang malagong kagubatan. 

Ito ang Isla Gasuklay, ang tahanag ng tribong Bulawanon - ang tribong kinabibilangan niya.  Mahigit animnapung taon na rin ang nakakalipas simula nang maging permanenteng tahanan ng tribo nila ang isla.  They're tribe was a native of Quezon province pero dahil sa pananalasa ng mga Hapon noon, napilitan ang tribo nila na umalis at maghanap ng ibang tirahan.  Kaunti lamang ang nakaligtas upang magpatuloy.  At isa na do'n si Viho Metusela - ang pinuno ng tribo noon at siya ring kanyang lolo.

Ginawa ng kanyang lolo ang lahat para makahanap ng perpektong lugar para sa kanilang tribo.  At sa tulong ng iba pa nilang mga katribo ay natagpuan nga nila ang islang ito.  Napapaligiran ng dagat ang isla - malayo sa kabihasnan - it also has an abundant source of natural resources, kaya naman hindi na nagdalawang-isip ang tribo nila na gawin itong bago nilang tahanan.  Pero sa paglipas ng taon, madami ang nagtangka na kunin ang isla mula sa mga Bulawanon.  Of course, her grandfather didn't allow that.  He fought and did not stop hanggang sa maging legal na nilang pagmamay-ari ang isla.

Now their island was like a tiny nation of its own.  They're very self sufficient.  Kompleto sila sa lahat ng importanteng imprastraktura ka kailangan ng isang komunidad.  Isang malaking generator ang nag-su-supply ng kuryente sa buong isla.  Meron silang maliit na clinic na kompleto sa lahat ng basic na gamot.  Higit sa lahat, they have their own school kung saan pwedeng mag-aral ang mga batang miyembro ng tribo nila hanggang high school.  Siyempre accredited 'yon ng DepEd.

Ang paaralan ang kauna-unahang ipinatayo ng lolo niya nang magsimula itong mamuno dito sa isla.  Para kasi dito ay pinakamahalaga sa lahat ang edukasyon.  Hindi naman kasi porke't katutubo sila ay wala na silang karapatan sa mas malawak pang edukasyon.  Kapag nakatapos na ang isang Bulawanon ng sekondarya, may kalayaan itong mamili kung nais pa nitong magpatuloy sa kolehiyo o manatili na lamang dito sa isla.  Ang mga nananatili ay nauuwi sa pagmimina ng limestone na siyang pangunahing materyal sa pag-gawa ng semento.  Ang minahan nila ng limestone ang siyang nag-aangkat ng malaking pera sa isla at siyang sumusuporta sa mga katribo niyang naninirahan dito. 

Ang mga nagpapatuloy naman sa kolehiyo nila ay nagiging mga propesyonal.  They become teachers, architects, engineers, doctors, anything they want to be.  Karamihan sa mga ito kapag nakatapos ay nagdedesisyon na manatili na lamang sa siyudad at doon manirahan.  But they still come back from time to time.  Dahil kahit nasaang parte pa sila ng mundo, ang Isla Gasuklay pa rin ang kanilang tahanan at ang mga Bulawanon pa rin ang kanilang pamilya. 

The same can be said for her and most of her brothers.  Kahit nasaan pa sila, hindi pa rin nila nakakalimutang bumalik dito.  Pito silang magkakapatid at siya ang bunso at nag-iisang babae.  Their oldest brother, Kuya Tasunka, was the only one who won't leave the island for a long period of time.  No, it's probably 'can't' rather than 'won't.  Dahil ito ang kasalukuyang pinuno ng tribong Bulawanon kaya wala itong ibang pagpipilian kundi manatili dito sa isla. 

He's been the tribal chief since their grandfather died and that was already sixteen years ago when her brother was only seventeen.  Her brother has to sacrifice a lot of things because of that.  Samantalang sila ay malayang makapunta sa kung saan man nila naiisin.  Well, except probably for her Kuya Waira - the second eldest.  Halos magkapareho lang kasi ang sitwasyon nito at ng kanyang Kuya Tasunka.  Mainly because of their very complicated family circumstance.     

"Magandang tanghali, Ley!"  Ang tinig na 'yon mula sa baba ang pumutol sa takbo ng iniisip niya.

Tumingin siya sa baba at nakita niya ang isa sa mga Sekki’shi na nagbabantay sa Kastelo - ang tawag sa tirahan ng pinuno ng tribo.  Ang mga Sekki’shi ang mga mandirigma ng kanilang tribo na nagpapanatili ng kaayusan sa isla at pomoprotekta dito sa mga panganib na nagmumula sa labas.  They answer directly to the tribal chief. 

The Charmed ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon