CHAPTER TEN (II)

1.4K 51 1
                                    

MABILIS pa sa alas-kwatro ang ginawang paglayo ni Ley kay Sasha nang marinig niya ang pagtikhim na 'yon.  Mabilis siyang napatayo.  What the heck just happened?  Sasha wanted to kiss her.  Nakita niya 'yon sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.  She recognized that look.  It was a look she'd seen from men who showed interest in her.  And by God, she almost let him. 

"Am I interrupting something?" tanong ng tinig ng panibagong tinig.

Dagli siyang napalingon sa pinanggalingan no'n at nakita niya na nakatayo malapit sa may pinto ang isang babae.  She has pale blond hair tied in a loose ponytail and a pair of stormy gray eyes.  She was wearing all black, mula sa suot nitong top hanggang sa suot nitong pantalon at boots.

"You really have the best timing," sarkastikong wika dito ni Sasha.

Nagkibit-balikat lamang ito.  "Not my fault.  You should have locked yourself inside a room if you're planning to do some kinky shit."

Agad naman niyang naramdaman ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi dahil sa sinabi nito.  "We- we're not doing anything... kinky!"

"Well, I don't really care otherwise."  Naglakad na ito palapit sa kanila at pasalampak na naupo sa couch.  "So, who's the chick?" tanong nito kay Sasha.

"Parker this beautiful girl here is Ley.  Ley that obnoxious girl there is Parker," pagpapakilala ni Sasha sa kanila.

"Yo," bati sa kanya ni Parker na sinabayan pa ng pagsaludo.

Nag-aalangang tinanguan na lamang niya ito.  Iniisip niya kung ano ang posibleng relasyon nito kay Sasha.  She doesn't seem to be his girlfriend.  Dahil kung oo ay tiyak na nagalit na ito sa tagpong nadatnan kanina.  Then a sister maybe?

"Parker's one of my apprectices," wika ni Sasha na para bang nabasa kung ano ang iniisip niya.  So isa ring magnanakaw ang babae.  She should have known.

"Hey, I've graduated from being an apprentice years ago.  I'm a full-fledged thief now."

"The three of you will always be my apprentices."

Napataas ang kilay niya.  Apprentice?  And he has three of them?  "Thieves have apprentices?"

"Only the truly great ones," may pagmamayabang na sagot ni Sasha. 

Parker only scoffed at that.  May sasabihin pa sana siya nang mapansin niya ang muling pagngiwi ni Sasha dahil sa sugat nito.  Bumaling siya kay Parker.  "Alam mo ba kung nasaan ang first aid kit?" tanong niya dito sa wikang Inggles. 

Napatingin ito kay Sasha dahil sa tanong niya.  "Wow, you have blood on your shirt."  Tumayo ito.  "I'll take a look at the medicing cabinet."  Pagkawika no'n ay naglakad na ito patungo siguro sa banyo.  Doon lang naman maaring magkaroon ng medicine cabinet.

"I told you, I'm fine."

"Yes, you're fine and bleeding."  Naupo siyang muli sa tabi ni Sasha.  "So, is Parker also staying in this suite?"

"Yeah, but don't worry, we don't have any kind of romantic relationship."

"Hindi ko naman tinatanong kung may relasyon kayo o wala.  And why would I worry anyway?"

"Because you're interested in me," buong kumpiyansang wika nito.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o mahihiya dahil sa mga pinagsasasabi nito.  "You really are so full of yourself."

Ngumiti lang ito ng nakakaloko sa kanya.  "Okay lang magyabang kung may ipagyayabang ka naman.  And I do have a lot to boast about.  Besides, hindi mo naman itatanong kung dito rin nag-i-stay si Parker kung hindi ka interesado sa 'kin."

The Charmed ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon