CHAPTER EIGHT

1.6K 54 1
                                    

"PLEASE help me," natagpuan na lamang ni Leyneri na sinasabi ang mga katagang 'yon bago pa man siya tuluyang makapag-isip ng matino.  She knew it was unreasonable and definitely not a good idea.  Ni hindi nga niya dapat isipin 'yon, considering kung sino ito. 

He was a felon.  A master thief who's probably wanted in more than ten countries.  Ayon sa sinabi ni Miros - ang pinuno ng mga Sekki' shi na siyang nagbabantay sa Zandana - sa Kuya Tasunka niya noon nang makabalik ito mula sa paghahanap nito kay Sasha at sa ninakaw nitong pink diamond - ang Flor Rosa - sa isla nila, isang kilalang magnanakaw ang lalaki.  He was on the most wanted list of the FBI and Interpol.  And he was known by his moniker, Silver Thief.

Ayaw pa niyang maniwala nung umpisa nang malaman niya 'yon.  She really didn't figure him to be a thief.  Maybe because she was so busy admiring his looks, she didn't bother looking beyond it.  And what's beyond the charm and the sass was a thief.  A very good one for that matter kung pagbabatayan ang mga narinig pa niya mula kay Miros.  

Surely sapat na 'yon para hindi niya ito pagkatiwalaan.  But she was running out of option now.  Hindi na niya alam kung ano ang gagawin sa kaso ni Shane.  Kung iaasa niya sa mga pulis ang kaso ng kaibigan, baka lumipas na ang isang taon ay hindi pa rin 'yon nareresolba.  And Shane doesn't deserve that.  She doesn't deserve to be killed in that gruesome way.  Bibigyan niya ng hustisya ang kaibigan.  Even if it's the last thing she would do.  Naalala na naman niya ang larawang nakita mula sa mga impormasyon na ibinigay sa kanya ni Mr. Ramirez.  Kinagat niya ang loob ng pisngi para mapigilan ang sarili na muli na namang mapaiyak. 

Nakuyom niya ang kamao.  Seeing that picture made her feel so mad and helpless.  Hindi niya mapigilang isipin na habang nangyayari 'yon sa kaibigan niya, she was comfortably staying at the island.  Alam niya na hindi resonable na isisi niya sa sarili ang nangyari.  She couldn't possibly predict what could have happened.  Pero hindi pa rin niya mapigilang isipin that there could be something that she could have done.  Maybe she could have called her that day, asked her what she's doing, then she might have sensed that something was wrong.  Pero ngayon, meron na siyang magagawa.  Maaari niyang hanapin ang gumawa nito kay Shane and bring her to justice.  And she promised in Shane's grave that she would.

Hindi niya ipinaalam kina Ellise at Micah ang binabalak niya.  They already have too much in their plate.  Ellise was just starting to work at her father's company at si Micah naman ay kaka-hire pa lang sa kumpanyang pinapasukan nito.  Alam niya na kung sasabihin niya sa dalawa ang binabalak, walang pagdadalawang-isip na iiwan ng mga ito ang kanya-kanyang trabaho para sumama sa kanya sa paghahanap sa pumatay kay Shane.  And she just couldn't do that to them.  Ellise could finally proove herself to her family at si Micah naman ay makakatulong na sa wakas sa pagpapaaral sa mga kapatid nito.

Hindi rin niya masabi sa mga kapatid ang ginagawa niya dahil alam niyang pipigilan siya ng mga ito.  And no amount of pleading would sway them.  Handang ibigay ng mga ito - with probably the exemption of Kuya Waira - ang kahit na anong hilingin niya.  But not if it could put her to danger.  Ang kaligtasan niya ang isang bagay na hinding-hindi i-co-compromise ng mga ito.  And looking for Shane's killer would probably be at the top of their danger list. 

So basically, mag-isa lang siya sa misyon na 'to.  Wala siyang pwedeng asahan kundi ang sarili lang niya.  Nang bigla niyang makita si Sasha, all the frustration and helplessness that's been piling up inside her for days now just came rushing out.  Hindi niya alam kung dahil ba 'yon sa masyado siyang nagulat na makita itong muli or maybe she can no longer maintain the facade that she can do this all on her own.  Kaya nang may makita siyang pamilyar na mukha, she immediately crumbled.  Because deep down, she wanted someone to support her and to tell her that everything will be okay.

The Charmed ThiefWhere stories live. Discover now