CHAPTER SEVEN

1.7K 62 3
                                    

"HAVE YOU calmed down?" tanong ni Sasha sa babaeng nakaupo sa tapat niya.  Humihikbi pa rin ito pero hindi kagaya kanina na kung umiyak ito ay parang wala nang bukas.  Wala tuloy siyang nagawa kundi higitin ito sa pinakamalapit na coffee shop dahil sa pinagtitinginan na sila ng mga taong dumadaan.

Pinakatitigan niya ang dalaga.  Ni sa hinagap ay hindi niya akalain na muli niya itong makikita.  Una niya itong nakita may limang taon na ang nakakaraan.  Sa isang isla na pagmamay-ari ng isang tribo dito sa karagatan ng Pilipinas.  Pumunta siya doon dahil sa impormasyon na nakuha niya na nasa isla ang pinakahuling painting na ginawa ni Graham Sutherland bago siya namatay.  Isa siyang English painter na kilala sa pagpipinta ng mga protrait.  They said before he died a European royalty commisioned him to paint the protrait of his lover. 

Ayon sa pinagkakatiwalaan niyang fence - someone who acts as a middleman between thieves and the potential buyer of the goods they steal - na ang European royalty na nagpagawa nung portrait ay mula sa Costradina, the Duke of Wolverton, Thomas Ashford.  Sasha really wanted to have that last painting Sutherland made, dahil bukod sa malaki ang magiging value no'n sa black market, he really admires his art.  Kaya naman ginawa niya ang lahat ng kailangang research sa Duke of Wolverton para malaman niya kung nasaan 'yong painting.  Sa kanyang pagkagulat, nalaman niya na nagpakasal ang duke sa anak ng isang pinuno ng mga katutubo dito sa PIlipinas.  And that the painting Sutherland made was safely located on the island owned by that tribe.

He went to that island with a concrete plan in mind.  Ang hindi niya inaasahan ay pagdating niya doon, he would be immediately smitten by the first tribal girl he saw.  Tandang-tanda pa niya ang tagpong 'yon na parang kahapon lamang 'yon nangyari.

Tiningnan ni Sasha ang mapa na hawak, it was just a satellite map Intel provided for him.  It's not detailed, but it would do.  Naitago na niya ang art materials na kakailanganin niya.  Ang natitira na lang ay magpahuli sa kung sinuman at maikulong siya ng mga ito.  Ayon kasi sa research na ginawa niya, mahigpit ang mga ito pagdating sa mga dayuhang pumupunta sa isla lalo na kung walang pahintulot ang nasabing dayuhan mula sa pinuno ng tribo.  Ang tanging paraan para malaya siyang makagalaw sa loob ng isla ay kung iisipin ng mga ito na wala siyang masamang magagawa laban sa kanila.  And that could only happen if he let them imprison him.  Sa oras na makulong siya, pwede siyang tumakas pagdating ng gabi at gawin ang ipinunta niya doon.

Iginila niya ang mga mata sa paligid at muntikan na siyang mapatalon nang may bigla na lang tumalon na isang tao mula sa taas ng katapat niyang puno.  It was a girl, wearing some kind of Indian like clothing.  Nakatirintas ang mahaba nitong buhok.  Morena ang balat nito.  Dahan-dahan itong tumayo at daig pa niya ang sinipa ng malakas sa dibdib nang makita niya ang mukha nito.  Kulang ang salitang 'ganda' para ilarawan 'yon.  And damn, those eyes were lethal.  Any normal man would crumble under the gaze of those aquamarine eyes.

Hindi na niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.  "Well, aren't you a pretty little thing."

"Hindi ka pwede dito.  Ipinagbabawal ang mga tagalabas sa isla na 'to.  Umalis ka na bago ka pa makita ng mga mandirigma namin," sa halip ay wika nito.

"Ibig sabihin ba no'n na hahayaan mo akong umalis sa isla na 'to nang hindi sinasabi sa mga mandirigma niyo na may nakita kang tagalabas na pumasok dito ng walang pahintulot?" tanong niya dito sa diretsong Tagalog.

Halata ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa pagtata-Tagalog niya.  Hindi naman nakakapagtaka 'yon.  After all, he is a foreigner.  Pero isa sa mga bagay na itinuro sa kanya ng ama ay ang pag-aaral ng iba't-ibang lenguwahe sa mundo.  Dahil malaki ang maitutulong no'n sa klase ng trabaho na meron sila.  At isa nga sa mga lengguwahe na natutunan niya ay ang Tagalog o Filipino. 

The Charmed ThiefWhere stories live. Discover now