CHAPTER FOUR (I)

1.9K 50 1
                                    

Five years ago...

Isla Gasuklay

INABOT ni Leyneri ang sanga ng inaakyat na puno.  Sumampa siya doon at inilibot ang paningin sa paligid.  Sa wakas naakyat din niya ang pinakamataas na puno sa isla.  Ilang linggo na niyang sinusubukang akyatin 'yon pero sa tuwina ay hanggang kalahati lamang ang nararating niya.  Kung hindi kasi siya sinisita ng mga Sekki' shi  na nakakakita sa kanya, bigla-bigla na lang siyang inaatake ng takot kapag tipong nasa may kalagitnaan na siya.  Pero ngayong araw, pinili niya ang oras na walang masyadong Sekki' shi na nagbabantay sa parteng 'yon ng gubat.  And then she gathered up all her courage and climbed to the top. 

Inilibot niya ang paningin sa paligid.  She could almost see the whole island where she stood.  Nasa bandang kanan niya ang Kastelo - ang tahanan ng pamilya nila.  'Yon ang pinakamataas na gusali sa buong isla.  Nasa tuktok 'yon ng isang buro at napapaligiran ng mga nanggagandahang ligaw na bulaklak.  Sa baba no'n ay nando'n naman ang Kisekus - ang lugar sa isla nila kung saan nakatira ang karamihan sa kanilang mga katribo.  Binubuo 'yon ng mga bahay na gawa sa matibay na narra.  Sa bandang hilaga ay nando'n ang gusali ng paaralan, pati na rin ang clinic, at ang nag-iisang tindahan na nagsisilbi na ring parang grocery store.

Naupo siya sa tinutuntungang sanga, enjoying the beautiful view and the wind blowing on her face.  Nang bigla na lang may mahagip ang mga mata niya.  A sudden movement just below where she was.  Itinuon niyang mabuti ang mga mata sa ibaba at nakita niya ang isang lalaki na waring kapapasok lang sa gubat mula sa dalampasigan.  May hawak itong isang mapa at lumilinga-linga.  Isa lang ang pumasok sa utak niya ng mga oras na 'yon.  An intruder just entered the island.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa at nagsimula na siyang magtatalon sa sanga ng puno pababa.  When she reached the bottom, she landed exactly in front of the stranger.  Nag-angat siya ng mukha at lahat ng balak niyang sabihin ay napinid sa kanyang lalamunan nang makita ang mukha ng lalaki.  Ang kulay itim nitong buhok ay nakapinid sa likod pero ang ilang hibla no'n ay tumatabing sa mukha nito.  And what a handsome face it was.  Ngayon lang yata siya nakaramdam ng paghanga para sa itsura ng isang lalaki maliban sa mga kapatid niya.  Pero ang higit na nakatawag pansin sa kanya ay ang mga mata nito.  Ngayon lang siya nakakita ng gano'ng kulay.  Isang napakapusyaw na asul.

Kung nagulat man ito pagkakita sa kanya ay hindi nito pinakita 'yon.  Sa halip ay isa pang ngiti ang sumilay sa labi nito.  At hindi niya maintindihan kung bakit parang bigla na lang sumirko ang puso niya pagkakita sa ngiting 'yon.  "Well, aren't you a pretty little thing."

Bigla siyang natauhan dahil sa sinabi nito.  Ano ba ang ginagawa niya, sa halip na sitahin ay tinitigan pa niya ang estranghero na 'to?  "Hindi ka pwede dito.  Ipinagbabawal ang mga tagalabas sa isla na 'to.  Umalis ka na bago ka pa makita ng mga mandirigma namin," wika niya.

Nang titigan lang siya nito ay saka lang niya napagtanto na baka hindi nito naintindihan ang sinabi niya.  Halata naman kasi sa itsura nito na isa itong dayuhan.  Idagdag pa do'n na kahit tuwid itong mag-Ingles ay hindi pa rin naitago no'n ang accent nito.  Uulitin niya sanang muli sa wikang Ingles ang sinabi niya ngunit naunahan na siya nito sa pagsasalita.

"Ibig sabihin ba no'n na hahayaan mo akong umalis sa isla na 'to nang hindi sinasabi sa mga mandirigma niyo na may nakita kang tagalabas na pumasok dito ng walang pahintulot?" wika nito sa diretsong Tagalog.

Nagulat naman siya, hindi niya inaasahan na marunong itong mag-Tagalog.  Pero agad din niyang hinamig ang sarili.  "Kapag nakita ka ng kahit isa sa mga mandirigma namin, tiyak na ikukulong ka nila.  Hindi ka nila papakawalan hangga't hindi mo sila binibigyan ng katanggap-tanggap na rason kung bakit ka nandito.  Kaya bago pa masayang ang oras nila, pati na rin ang oras mo, mas mabuti kung aalis ka na lang ngayon ng walang aberya."

"Hmm... a pretty face and a logical mind."  Inabot nito ang ilang hibla ng buhok niya na nakatirintas at nilaro-laro 'yon sa daliri nito.  Tumingin ito sa kanya, amusement dancing in his almost silver eyes.  "That's a lethal combination.  Almost as lethal as your aquamarine eyes."

Muli na namang sumirko-sirko ang puso niya sa narinig.  Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi.  Hindi niya maintindihan kung bakit nito sinasabi ang mga bagay na 'yon sa kanya.  Pero mas hindi niya maintindihan ang reaksyon niya sa mga sinasabi nito.  Ano bang nangyayari sa kanya?

Binawi na lamang niya ang buhok na pinaglalaruan nito.  "Umalis ka na," sa halip ay muli niyang wika.

"But I still want to look at you," wika nito na humakbang pa palapit sa kanya.  Awtomatiko naman siyang napaatras hanggang sa natagpuan niya ang sarili na nakasandal sa puno na kanina lang ay inakyat niya.  "I think I like looking at you.  No, I definitely like looking at you."

Pakiramdam niya ay tumatagos ang titig nito sa buong pagkatao niya.  It was scary but she also felt some kind of excitement from it.  Idinampi nito ang palad sa pingi niya.  Pakiramdam niya ay parang kinuryente ang buo niyang katawan dahil lamang sa simpleng pagdidikit ng kanilang mga balat.  Ang puso niyang kanina pa nagwawala ay mas lalo lang nag-rebolusyon sa loob ng dibdib niya. 

"A-anong nangyayari?" hindi niya napigilang usal.

Isang ngiti naman ang sumilay sa labi nito, then he tucked a few strands of her hair behind her ear.  "I believe it's called attraction, malysh."

Bago pa niya matanong kung ano ang ibig nitong sabihin, isang anino ang bigla na lang lumitaw sa likudan nito at tinutukan ng dagger ang leeg nito.  "Alisin mo ang mga kamay mo sa kapatid ko, bago ako magdesisyon na tuluyan kang gilitan."

Agad naman niyang nakilala ang tinig ng nagsalita.  "Kuya Kohana," tanging nawika niya.

"Would he really slice my throat?" tanong ng estranghero sa kanya na hindi man lang pinansin ang dagger na nakatutok sa leeg nito. 

"Ley, lumapit ka dito," wika ng kuya, halata sa boses nito ang inis.  Dagli naman siyang sumunod sa kapatid at lumapit sa tabi nito.  Iniharap ng kapatid niya ang lalaki at marahas itong isinandal sa puno.  Nakatutok pa rin ang dagger nito sa leeg ng lalaki.  "Sino ka at anong kailangan mo sa isla namin?"

Napatitig ito sa kuya niya.  "Wow, another pretty face.  Such a waste it belongs to a guy," wika nito na sinamahan pa ng nakakalokong ngiti.

Nakita niya ang pag-galawan ng muscles sa mukha ng Kuya.  Isa sa mga complex ng kapatid niya ang itsura nito.  Namana ng Kuya Kohana niya ang maputing balat at kulay asul na mga mata sa kanilang ama.  Pero doon na nagtatapos ang pagkakapareho ng mga ito.  His facial features were soft at kahit na ano pang gawin nitong pagbabanat ng buto ay hindi lumalaki ang mga muscles sa katawan nito.  He looked almost too pretty to be a man.  Napakalayo sa itsura ng iba pa nilang kapatid na lalaki.  Who were all overly male.

"Sagutin mo ang tinatanong ko sa 'yo," mariin na wika ng kapatid niya na mas lalo pang idiniin ang dagger sa leeg ng lalaki.  She could see the blood trickling down from it.

Hindi niya maintindihan pero nakaramdam siya ng takot para sa lalaki.  Although her brother looked prettier than most women, he has a temper that could rival any hot-blooded men.  Kapag nagalit ito ay hindi malabong gilitan nga nito sa leeg ang lalaki.  "Kuya, ibigay na lang natin siya sa mga Sekki' shi.  Sila na lang ang bahalang mag-interoga sa kanya."

Bumaling sa kanya ang lalaki pagkasabi niya no'n.  Nawala na ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito at napalitan 'yon ng isang matamis na ngiti.  "Are you worried about me, my beautiful tribal princess?"

Hindi naman niya napigilang mamula.  Humarang naman sa pagitan nila ang kuya niya, shielding her from him.  "Stop looking at my sister with those eyes!  Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?  O ugali lang talaga ng mga dayuhang tulad mo to lay their hands on every good looking sixteen year old girls they see?" 
   
Hindi na niya nakita ang naging reaksyon ng lalaki dahil sa pagdating ng ilang mga Sekki' shi.  Agad na hinuli ng mga ito ang lalaki.  Siya naman ay hinigit ng kapatid niya palayo sa lugar na 'yon.  Pero habang higit-higit siya ng kapatid ay hindi niya napigilang lumingon sa direksyon na pinagdalhan sa lalaki.

The Charmed ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon